• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi rin ng aktor na hindi niya nililigawan si Maja Salvador.

EXCLUSIVE: Joseph Marco mahilig sa ‘manang’ type na babae

Sinabi rin ng aktor na hindi niya nililigawan si Maja Salvador.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/07/2017 01:00 AM
EXCLUSIVE: Joseph Marco mahilig sa ‘manang’ type na babae

 

Kasama si Joseph Marco sa cast ng pelikulang Triptiko na official entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula on Aug. 16 under the direction of Miguel Franco “Mico” Michelena.

Ayon kay Joseph, relate na relate siya sa role bilang isang modelo sa pelikula dahil sa ganu’n din daw siya nagsimula.


“Sobrang naka-relate kasi yon naman ang ginagawa ko dati, nagpupunta ako ng go-see, VTRs para mag-audition. So, parang hindi ko na kailangang mag-effort pa dito,” simulang kuwento ng binata sa PUSH.

Hindi rin naitanggi ng aktor na maraming beses siyang nagpakita ng katawan sa pelikula na binigyan ng graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

“Parang opening scene pa lang ata sa movie may pa-abs na,” natatawa niyang kuwento.

“Unang eksena namin parang VTR. Parang those were the days. Nakatutuwa at nakatatawa,” dagdag niya.

Nang mapag-usapan ang love life walang gaanong mai-share si Joseph na aminadong napurnada ang panliligaw noon kay Alex Gonzaga na may Chinese boyfriend na ngayon.

“Eh, ganu’n talaga,” reaksyon niya.

Eh, kay Maja Salvador na kasamahan niya sa Wildflower nai-push ba niya ang panliligaw dito?

“Ano na kasi, eh,” bitin niyang pahayag. “Hindi n’yo ba alam?” sabi ulit niya na parang ang tinutukoy ay meron ng manliligaw si Maja.

Eh, baka naman masyado siyang mapili kaya hindi nagkaka-girlfriend?

“Hindi naman sa namimili. Tipong tina-try kong i-gauge ’yung tao kung okay ba na ipakita ko ’yung ganito ko, ’yung ibang side ko,” rason niya.

Hanggang sabihin na rin ni Joseph sa PUSH kung anong klase talaga ng babae ang type niya.

“Mahilig ako sa manang type of girl,” pag-tatapat niya.

“Alam mo ’yung tipong hindi party girl tapos kung manamit, very manang, balot na balot,” explain pa niya.

Eh, bakit mga manang ang type niya?

"Gusto ko ako ’yung mag-a-unleash ng wild side niya. Kasi ang ganda nu’n, sa labas prim and proper siya pero kapag sa taong mahal niya, all-out siya.

“Ma-appreciate mo kasi ’yun, eh. Like, feeling ko, ganu’n din ako,” katwiran pa ng aktor.

Samantala, nabigyan ito ng Graded A rating mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Triptiko na pinagbibidahan din nina Kean Cipriano at Albie Casino.

Ang pelikula ay mula sa produksyon ng Michelena Brothers.