• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin nagsisilbing pangalawang magulang ng batang artista ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Coco Martin, binusog sa bottomless pangaral ang apat na bagets ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Coco Martin nagsisilbing pangalawang magulang ng batang artista ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/06/2017 10:35 AM
Coco Martin, binusog sa bottomless pangaral ang apat na bagets ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

 

Sa grand media conference para sa top-rating ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano, naikuwento ng idolo ng masa na si Coco Martin na busog sa pangaral at disiplina ang mga bata na kasama sa cast ng kanilang show na sina McNeal "Awra" Briguela na gumaganap bilang Macario "Makmak" Samonte, Jr., James "Paquito" Sagarino bilang Paquito Alvarado, Rhian "Dang" Pineda bilang Dang, at Shantel Crislyn Layh "Ligaya" Ngujo sa role na Ligaya.

Kuwento ni Coco na masaya siya at nakakatulong na ngayon ang mga batang aktor sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay, pero kailangan pa rin gabayan ang mga ito.


"Nakakatuwa kasi ngayon nakakatulong na sila at unti-unti nakikilala na sila sa showbiz pero ginagabayan pa rin namin sila dahil mga bata pa sila. Gaya po noong nawawala na ang character nila sa mga bihis nila, pinagsabihan ko sila noon at nakikinig naman," kuwento ni Coco.

At gaya ng isang pangalawang magulang at "kuya" sa set ng Ang Probinsyano, dumadating ang mga pagkakataon na nagiging makulit ang mga batang members ng cast.

"May times na lalo na po kapag for airing na ang eksena na kailangan namin na i-shoot, tapos nagkukulitan sila, naglalaro, hindi rin naman maiwasan dahil mga bata, pinagsasabihan namin tumatahimik naman sila," sabi pa ni Coco.

Wala namang katapusan na "thank you" ang isinusukli ng apat na batang cast ng Ang Probinsyano sa mga pangaral sa kanila ni Coco.