• Home
  • Fresh Scoops
  • Louise Delos Reyes is happy about Aljur Abrenica’s revived career.

Louise Delos Reyes on ex-love team partner Aljur Abrenica: ‘Mag-move on na po tayo’

Louise Delos Reyes is happy about Aljur Abrenica’s revived career.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/05/2017 10:05 AM
Louise Delos Reyes on ex-love team partner Aljur Abrenica: ‘Mag-move on na po tayo’

 

Present sa naganap na thanksgiving party ng ika-100 linggo ng FPJ's Ang Probinsyano ang lahat ng bumubuo ng number one primetime teleserye.

Kabilang sa naging highlight ng pagdiriwang ang naging announcement ng mga bagong dapat abangan sa programa, kabilang na ang pagpasok sa eksena ng bagong kapamilya na si Aljur Abrenica.


Hot topic kamakailan ang naging pictorial ni Aljur sa kanyang first shooting day kung saan nakasakay siya sa kabayo ng topless.

 

Siya si Miguel. Abangan si @ajabrenica sa FPJ's Ang Probinsyano! Malapit na! #FPJAP100

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Present din ng gabi ng iyon ang naging malapit kay Aljur na si Louise Delos Reyes na isa din sa mga bagong cast members ng Ang Probinsyano. Aniya, hindi pa sila nagkikita ni Aljur simula nang ianunsyo ito bilang kapamilya.

"Yes, pero hindi pa kami nagkakasama sa taping and sa eksena. Parang nakakulong pa din talaga siya (ang kanyang karakter)," panimula ni Louise.

Matatandaan na naging magka-love team noon si Louise at Aljur noong panahon na nasa ibang network pa sila, kung kaya masaya siya para sa panibagong simulain na ito sa career ng dating ka-tandem.

"Happy ako para sa kanya kasi parang things are going to be right for him. Magkaka-baby na siya, tapos engaged na din sila ni Kylie (Padilla), tapos okay na din ang career niya kaya masaya ako for him," sabi pa nito.

Sa ngayon mas pinili nalang din ng dalaga na mag-move on sa mga isyu na nag-uugnay sa kanya at kay Aljur noon. Matatandaan na na-intriga noon si Louise dahil sa hindi pagkakaintindihan umano ni Kylie at Aljur.

 

Fit together ❤️

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

"Let's all leave that things behind. Magkaka-baby na siya and parang respect na din natin kay Kylie, the mother of his child. Tama na po iyon," pagtatapos na pahayag ni Louise.