• Home
  • Fresh Scoops
  • Actor-turned-politician Alfred Vargas admits he has always believed in Bea Alonzo’s star potential.

EXCLUSIVE: Cong. Alfred Vargas recalls being with Bea Alonzo in Star Circle Batch 10

Actor-turned-politician Alfred Vargas admits he has always believed in Bea Alonzo’s star potential.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/04/2017 10:27 AM
EXCLUSIVE: Cong. Alfred Vargas recalls being with Bea Alonzo in Star Circle Batch 10
Photo credit to owners

 

Tandang-tanda pa ni Congressman Alfred Vargas ng 5th District ng Quezon City kung kailan siya ini-launch bilang Star Circle Batch 10 member sa ABS-CBN. Ka-batch niya raw noon si Bea Alonzo.

“Ni-launch kami October 2001, malapit na yon sa birthday ko, eh, naalala ko. Tapos si Bea, super bata pa niya, 13 years old pa lang ata siya noon. Pero magandang-maganda na siya noon,” kuwento sa PUSH ng actor-politician na bida sa Cinemalaya film ni Direk Perry Escano na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.


Patuloy ni Alfred, “Si Bea talaga yung pinakamaganda sa batch namin sa Star Circle Batch 10. Super tahimik lang siya. Pero pagdating sa mga workshop todo bigay siya. After ng workshop kapag biruan nakikipagbiruan, pero pag workshop seryoso siya talaga.”

Ayon pa sa kuwento ni Alfred, noon pa lang daw ang nakita na niya na talagang magiging sikat at magaling na aktres ang ka-batch niyang si Bea.

“Oo, kita ko kasi ano siya, eh, seryoso siya sa mga workshop that time. Kaya hindi ako nagulat nung nabigyan siya ng break do’n kay John Lloyd (Cruz), di ba, yung Kay Tagal Kang Hinintay.

“Tapos dire-diretso na siya. I’m proud and I’m very happy sa mga naabot ni Bea. But at the same time, hindi ako nagulat na ganyan siya ka-successful ngayon (as an actress) kasi she deserves it naman, eh.

“Yung good looks puwede kang pasikatin pero yung talent will make you stay. Yon yung staying power niya. Magaling talaga siyang umarte.

“Kasi kahit ako, pinapanood ko siya hanggang ngayon sa A Love To Last. Well, sana naalala pa rin niya ako at kilala pa rin niya kung sino ako.

“I’m sure tatagal pa siya as one of the great actresses of our time. I’m really proud na naka-batch ko siya noon sa Star Circle,” dire-diretsong kuwento ni Alfred.

Inamin naman sa PUSH ni Alfred na nami-miss din niya ang pag-arte. Huli niyang naging proyekto sa ABS-CBN ang teleseryeng Mutya at Lorenzo’s Time.

“Na-miss ko yung mga kasamahan ko at na-miss ko yung acting talaga. Yung gagawa ka ng eksena tapos papanoorin mo isang buong pelikula na, ang ganda, ang sarap ng feeling.

“Dito naman sa politics, fulfillment talaga. Talagang damang-dama mo na marami kang natutulungan, you’re really making a difference, ganun.”

Samantala, pang-limang Cinemalaya movie na ni Alfred ang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na ipapalabas sa CCP at sa ilang piling sinehan sa Metro Manila.

Ang apat pang pelikulang nagawa niya sa Cinemalaya ay ang Kolorum, Teorya, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, at Separados.

Batikan na pala siya sa Cinemalaya.

“Kasi for me, it’s the best filmfest for indie. Kaya pag may panahon din lang ako at nabasa kong maganda ang script, gumagawa talaga ako sa Cinemalaya,” pagtatapos ni Alfred sa PUSH.