• Home
  • Fresh Scoops
  • Kumantang muli sa entablado si Noven sa pagdiriwang ng 80th anniversary ng AFP Hospital.

TNT Grand Champion Noven Belleza nanatiling positibo sa harap ng kontrobersya

Kumantang muli sa entablado si Noven sa pagdiriwang ng 80th anniversary ng AFP Hospital.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/31/2017 05:31 PM
TNT Grand Champion Noven Belleza nanatiling positibo sa harap ng kontrobersya
Photo credits to @bellezanoven IG

 

Muling nagbabalik entablado ang Tawag ng Tanghalan first Grand Champion na si Noven Belleza matapos nitong magpahinga panandalian sa pag-awit matapos masampahan ng kasong sexual assault noong nakaraang buwan.

READ: Noven Belleza nakapag piyansa sa kasong sexual assault


Sa kanyang pagbabalik nanatiling matatag si Noven sa kanyang buhay sa tulong ng mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.

"Sa mga Novenatics po, sa mga supporters ko po sa iba't ibang lugar sa mga OFW maraming, maraming salamat sa pagtulong sa akin, ano pa man ang dumating sa aking pagsubok hindi niyo pa din ako binitawan," pahayag ni Noven sa 80th Anniversary ng AFP Hospital.

Aminado si Noven na labis niyang na miss ang mag-perform sa harap ng maraming tao.

Bukod sa kanyang mga supporters, labis ding pinasalamatan ni Noven ang kanyang mga magulang na patuloy din ang paggabay sa kanya sa kabila ng pinagdaanang pagsubok.

"Andyan po sila sa likod ko kahit ano pang mangyari at napagtanto ko po sa sarili ko na nandiyan talaga sila para sa akin," sabi ng singer.

Pinasalamatan din ni Noven ang Panginoon para sa paggabay sa kanya sa kabila ng pinagdaanan.

Dumadaan man sa pagsubok, aminado si Noven na nag iwan ito ng leksyon sa kanya.

"Siguro po ang natutunan ko po huwag basta-basta magtiwala. Hindi na po pala ako ang dating Noven at may kailangan na pala akong pangalagaan," pagtatapos na pahayag ni Noven.  

Sa ngayon pinananabikan din ni Noven ang kanyang nakatakdang pagbabalik entablado sa It's Showtime.