Sa painit na painit na mga eksena sa last two weeks ng afternoon teleserye na The Better Half, ibinahagi ng isa sa mga bida nito sa si Shaina Magdayao ang mga eksena na dapat abangan.
A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on
Sa panayam na ito kay Shaina, hindi din naiwasan na pag-usapan ang lagay ng kanyang kalusugan.
"Siguro sobrang bigat din ng role tapos peak pa ng… hormones ko because of my hypothyroid [hypothyrodism] so may mga manifestations siya. Parang may allergic reactions," paliwanag ni Shaina.
Dahil sa mga positibong komento sa kanyang performance sa programa, aminado si Shaina na lalo pa niyang sineryoso ang kanyang role.
A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on
"I’m really taking my job seriously more than ever. Sobra ko kasi minamahal itong si Camille (her character) eh, itong grupo na ito sobrang mahal ko itong show na ito," ani pa ni Shaina.
Dahil sa araw-araw na taping sa The Better Half, ito din ang dahilan kung bakit pansamalanta siyang hindi napapanuod sa Sunday noontime show na ASAP.
"Yes kaya ngayon talagang rest rest muna tayo sa ASAP para mayroon tayong Sunday day off," sabi pa ni Shaina.
Sa pagtatapos ng The Better Half, magiging abala naman si Shaina sa isang pelikula kung saan makakasama niya si Charo Santos para sa isang obra ni Lav Diaz.
"I am flying to Singapore to work with direk Lav Diaz for the movie of Ma'am Charo [Santos] and we'll be shooting there for ten days," pahayag pa ni Shaina.
Matapos ang kanyang mga showbiz commitments, plano din ni Shaina na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral sa Psychology ngayong darating na school year.