• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual says he gets a different kind of fulfillment from producing movies.

Piolo Pascual has advice for stars who want to become movie producers

Piolo Pascual says he gets a different kind of fulfillment from producing movies.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/31/2017 11:32 AM
Piolo Pascual has advice for stars who want to become movie producers

 

Matapos ang naging blockbuster success ng pelikulang Kita Kita na ipinroduce ng aktor ni Piolo Pascual, tila ilan ngayon sa kanyang mga kapwa artista ang inspirado din sa pag-produce ng mga bagong pelikula.

Kabilang na dito ang malalapit na kaibigan ni Piolo na sina Gerald Anderson na isa sa nga co-producer ng pelikulang AWOL na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino at ang aktor na si Jake Cuenca na co-producer naman sa pelikulang Requited na naging kalahok naman sa Cinemalaya.


 

I have stared death in the face .. But he blinked first .. #awol #specialforces #family August 16-22 .. #pistangpelikulangpilipino

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

"Actually I told Jake and Gerald when we were in Cebu, ang sarap lang sa feeling not necessary an ownership but alam mo yung project na ginagawa mo may kasamang investment, kasama ng talent mo at pera mo so mas ma appreciate mo yung ginagawa mo," pahayag ni Piolo.

Isa din ang host-actor na si Vhong Navarro na pinag-iisipan din ang pag-produce ng pelikula.

"I think yun yung isang malaking take away sa kung sino man ang mag-produce ng pelikula sa amin. Kasi hindi na din tayo bumabata so we have to push the envelope kung meron ka pa naman kaya ibigay na iba, para hindi din magsawa yung audience sayo gawin mo," paliwanag pa ni Piolo.

May payo naman ni Piolo sa mga kapwa artista na plano din mag-produce gaya niya.

"If you're given a chance to produce, then learn from it, if you don't want to pass on the chance," pagtatapos na pahayag ni Piolo.