• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia explains why Julia Barretto calls him ‘Baba’

Joshua Garcia on Julia Barretto: ‘Gusto ko pa rin mag-effort sa tamang proseso na nanliligaw pa rin ako’

Joshua Garcia explains why Julia Barretto calls him ‘Baba’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/31/2017 11:25 AM
Joshua Garcia on Julia Barretto: ‘Gusto ko pa rin mag-effort sa tamang proseso na nanliligaw pa rin ako’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Love You to the Stars and Back star Joshua Garcia na “mas intense ang totoong buhay” na pagmamahalan nila ng co-star niyang si Julia Barretto kaysa sa pagmamahalan ng mga characters nila.

Reaksiyon naman ni Joshua sa pagbibigay ni Julia sa kanya ng exclusive rights sa panliligaw ay, “very, very lucky, Tito Boy.” Dagdag pa ni Joshua, “Siguro dahil lalaki, gusto ko pa rin mag-effort sa tamang proseso na nanliligaw pa rin ako. Maramdaman niya din kung paano ligawan.”


Nakausap din daw niya ang mga magulang ni Julia at nag-promise siya sa kanila na aalagaan niya si Julia at hindi niya sasaktan.

Sinabi rin ni Joshua kung bakit Baba ang tawag sa kanya ni Julia. “Baby daw yun e.” Nang tanungin kung sino ang sexiest woman, ang sagot ni Joshua ay “Julia Barretto.”