Aiko Melendez reveals secret to her sexier look

Aiko Melendez says she’s single by choice.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/31/2017 10:01 AM
Aiko Melendez reveals secret to her sexier look
Photo credits to @aikomelendez IG

 

Sexy at fit na Aiko Melendez ang napapanuod ngayon sa top-rating teleserye na Wildflower kung saan gumaganap siya bilang si Emilia Ardiente.

Kuwento ni Aiko, iba-ibang diet na ang kanyang napagdaan upang ma-achieve ang sexing pangangatawan.


 

When I think of all the stuff I've been through I have confidence I can get through this. I trust that God will take care of me. 🙏 #emiliaquotes

A post shared by Ms Aiko Melendez Aka Emilia 😘 (@aikomelendez) on

"I'm under Ketogenic diet now. Tapos I work out and I do yoga now. Napansin ko kasi nung nag-boxing ako parang lumalaki lalo yung upper body ko so I tried doing yoga so medyo nag-work naman," sabi pa ni Aiko.

Maintained man ang sexy na katawan, aminado si Aiko na single by choice at contented siya ngayon sa magandang daloy ng kanyang career.

"Wala, I'm not seeing anyone. I'm not dating anyone because of my schedule also and by choice (laughs)," masayang pahayag ni Aiko.

 

Thank you baby @ykiito Kumpleto ka dn ng mga glam pic ni #emilia ano ❤️😘 swipe left for more pics 😘 #revengebody

A post shared by Ms Aiko Melendez Aka Emilia 😘 (@aikomelendez) on

Sa kabila ng kanyang mga naging pinagdaanan, aminado si Aiko na malaki ang pasasalamat niya ngayon sa pagkakataon na ibinigay sa kanya lalo na para sa kanyang career.

"Thank you Lord! Thank you Lord! Kasi siguro yung relationship ko kay God and yung faith ko becomes stronger. Kasi in the past few years I've been depressed kasi feeling ko, 'Ano ba yan single mom ako. I have so many bills to pay. How will I take care of the needs of my children?’ So I've been praying and praying and I never lost my faith in God," pahayag pa ni Aiko.