• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Denise Laurel, di naman siya big star para pag-usapan ang kanyang personal na buhay.

Denise Laurel, ayaw pag-usapan ang estado ng relasyon niya kay Sol Mercado?

Ayon kay Denise Laurel, di naman siya big star para pag-usapan ang kanyang personal na buhay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/31/2017 09:54 AM
Denise Laurel, ayaw pag-usapan ang estado ng relasyon niya kay Sol Mercado?

 

Sa naganap na farewell press conference para sa huling dalawang linggo ng afternoon teleserye na The Better Half, hindi napigilan na sumagot ng isa sa mga bidang aktres nito na si Denise Laurel nang tanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni basketball player Sol Mercado.

Ayon sa aktres, hindi napag-uusapan ng malalapit na kaibigan niya ang kayang personal na buhay.

"Honestly, nobody asks me that naman, and I think they're all pretty cool. Kasi a lot of my friends are older than me and I hang out with people older than me and they don’t ask me, even on set," paliwanag ni Denise.

Paglilinaw pa ni Denise, hindi naman siya kalakihang showbiz personality para halukayin pa ang mga detalye ng kanyang love life.

"I'm really blessed that people are not nitpicking my life. I'm not a gigantic star na yung tipong they're asked everything about. I’m pretty chill and laidback," ani pa ni Denise.

Dahil sa mga pinagdaanan sa kanyang personal na buhay, aminado si Denise na sa kanyang pag-arte na lamang muna niya ibinubuhos ang kanyang emosyon.

"I've been through so much. When this show came to me, I was coming from a cancer scare, I was coming from an engagement breakup, and I was coming from a lot of life changes. And being able to do justice to what they want and give them something different every time is really difficult, but then I want my directors to be happy with my performance," pahayag ng aktres.

Sa ngayon abala pa din si Denise at iba pang bida sa The Better Half para sa kanilang nalalapit na pagtatapos.