• Home
  • Fresh Scoops
  • Iboto mo na ang bet mong Male Celebrity sa pangatlong PUSH Awards!

Sino ang paborito mong PUSH Male Celebrity ngayong 2017?

Iboto mo na ang bet mong Male Celebrity sa pangatlong PUSH Awards!

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/30/2017 03:06 PM
Sino ang paborito mong PUSH Male Celebrity ngayong 2017?

 

Sa ikatlong taon ng PUSH Awards isa sa mga maiinit na kategorya ang PUSH Male Celebrity category kung saan nominado ngayong taon sina Luis Manzano, Vice Ganda, Daniel Padilla, James Reid at Enrique Gil.

Nakilala si Luis bilang kilalang print add model bago naging bahagi ng music channel na MYX kung saan isa siya sa mga original VJ, bukod pagiging VJ, nagbukas din ng pintuan ang Sunday noontime show na ASAP para kay Luis kung saan siya madalas na napapanuod hanggang ngayon.


Dahil sa angkin galing ni Luis sa hosting, naging paborito siya ng mga manunuod sa ilang kapamilya shows gaya na lamang ng Star Circle Quest, Pinoy Big Brother, Entertainment Live, Pilipinas Got Talent, Kapamilya Deal or No Deal, The Voice, Minute to Win It at Family Feud.

Dahil sa kanyang pagiging kwela naging malapit sa masa si Luis at nanatili na isa sa top favorite male hosts ng ABS-CBN.

Nag-umpisa naman at nakilala bilang isa sa mga mainstay host ng noontime show na It's Showtime si Vice Ganda. For more than 8 Years, patuloy na naghahandog si Vice ng iba't ibang klase ng punch line na nag papasaya sa kanilang programa. Bukod sa daily noontime show, tuwing Linggo din napapanuod si Vice Ganda sa kanyang top rating late night show Gandang Gabi Vice na anim na taon na ngayon

Mas lalo pang minahal ng kanyang mga fans si Vice ng ipakilala siya sa kanyang first movie na Petrang Kabayo noong 2010 na sinundan na ng Praybeyt Benjamin, Sisterakas, This Guy's In Love With You Mare, Girl Boy Bakla Tomboy, The Amazing Praybeyt Benjamin, Beauty and The Bestie at ang The Super Parental Guardians na all certified block buster movies.

Hindi din nagpa awat si Vice pagdating sa pagbabahagi ng kanyang mga jokes na umabot pa sa series of Sold out concerts. Dahil sa mga napatunayan ni Vice sa mundo ng showbiz siya ngayon ang tinaguriang Unkaboggable Superstar.

Mula naman sa kanyang mga certified blockbuster movies kasama ang kanyang special someone na si Kathryn Bernardo gaya ng Must Be Love, She's Dating The Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona A Love Untold at Can't Help Falling In Love, tinagurian ngayon si Daniel Padilla bilang bagong Box Office King

Pinatunayan din ni Daniel ang pagiging certified primetime TV star mula sa mga sinubaybayang teleserye na kanyang pinagbidahan gaya ng Princess And I, Got To Believe, Pangako Sa'Yo at ang sinusbaybayan ngayon na top rating teleserye ngayon na La Luna Sangre.

Hindi din matatawaran si Daniel pagdating naman sa kanyang singing career mula sa kanyang mga certified chart-topping albums to sold out concerts.

Hinangaan at nakilala si James Reid bilang isa sa mga cute and charming international housemates ng Pinoy Big Brother Teen Clash noong 2010.

Sumikat at lalong nakilala sa unang pelikula na kanyang pinagbidahan kasama ang kanyang special someone na si Nadine Lustre sa Diary Ng Panget, Talk Balk And You're Dead, Para sa Hopeless Romantic at ang This Time na cerified na mga blockbuster hits.

Mas nakilala at nagpakilig din sa kanyang mga fans si James sa phenomenal success ng kilig teleserye na On The Wings Of Love, at ng made in Greece teleserye na Till I Met You sa Kapamilya Network.

Hindi din matatawaran si James pagdating sa kanyang singing career mula sa kanyang self-titled album hanggang sa Reid Alert, na in demand sa local airwaves ngayon.

Mula sa pagiging commercial model, sumikat at nakilala naman si Enrique sa iba't ibang proyekto sa TV tulad ng Mula Sa Puso, Princess and I at Mirabella. Pero mas nag ningning pa at naging malapit sa mga manunuod si Enrique sa unang proyekto nila ni Liza Soberano na Forevermore at nasundan pa ito ng Dolce Amore. Sinundan na din ito ng movie projects tulad ng Everyday I Love You, Just The Way You Are at My Ex and Whys.

Bukod sa galing sa pag arte, nag pamalas din si Enrique ng kanyang galing sa pag sasayaw at nabigyan pa ng pagkakataon na magkaroon ng dance concert sa Araneta.

Sino ang itatanghal bilang PUSH MALE CELEBRITY ngayong taon?

To vote for your favorite artist visit http://pushawards.abs-cbn.com and see more of the Kapamilya celebs that you love. Voting until September 24, 2017 and catch PUSH Awards 2017 at ASAP Chillout on October 15, 2017.