Raquel Pempengco apologizes for her shortcomings as a mom

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

08/30/2017 01:36 PM
Raquel Pempengco apologizes for her shortcomings as a mom
Photo credits to the owners

 

Nagsimulang maging kontrobersyal ang kwento ng buhay ni Jake Zyrus sa Maalaala Mo Kaya nang mag-react ang kanyang inang si Raquel Pempengco na hindi raw ito totoo.

Read: http://push.abs-cbn.com/2017/8/27/fresh-scoops/jake-zyrus-mom-cries-foul-over-singers-mmk-stor-167480


Pagkatapos nito ay tuluy-tuloy naman ang kanyang paglabas ng sama ng loob gamit ang kanyang Facebook account.

Sinabi niya ring masyado pang bata si Jake na mas kilala bilang Charice noon nang maghiwalay sila ng kanyang ama.

“Sana sa ginawa mong yan, mapuno mo ang venue ng pagdarausan ng concert mo. Gamitin mo man ng paulit ulit ang pangalan ko, gawin niyo mang kasama sama at kasumpa sumpa ako sa paningin ninyong lahat, may isang aso pa rin ang naniniwala n naging mabuti ako para sa kanya,” ani Raquel.

“Hindi ko inaasahan na sa pagpapalit mo ng pangalan pati pag uugali mo pinalitan mo na rin. Pangita lang na ang mga kasama mo ngayon ang malaking impluenxa sa pinaggagawa mo ngayon. Wala ka ng takot sa Panginoon, wala na ring dugo ko ang na nlalaytay sa katawan mo. Dahil kung meron bakit di mo naiisip bakit anjan ka ngayon? Oo sinasabi mo na bakit di ka pa namatay noon pa? Tanong ko alam ko ba na magkakaganyan ka ngayon? Lahat ng pagmamahal binigay ko kahit nag iisa lang ako. Kau binigay nio ba ang pagmamahal na yun na dapat nagmumula sa inyo? Bagkus sinuklian mo pa ng poot at kahihiyan. Salamat pa rin at di ko pinagsisihan na binigay kau ni Lord sa akin..pinanata ko kau...pero kung magkaganyan man kau ngayon yun eh kagustuhan na ninyo....” dagdag pa niya.

Sa huli ay humingi na siya ng paumanhin kung siya man ay nagkulang sa kanyang anak.