• Home
  • Fresh Scoops
  • Gelli De Belen, enjoy din ba makipagtrabahokay Daniel Padilla?

Gelli De Belen ibinahagi ang working experience with Maymay Entrata

Gelli De Belen, enjoy din ba makipagtrabahokay Daniel Padilla?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/30/2017 09:38 AM
Gelli De Belen ibinahagi ang working experience with Maymay Entrata

 

Isa ang aktres na si Gelli De Belen sa mga napapanuod gabi-gabi sa top rating teleserye na La Luna Sangre kung saan gumaganap siya bilang si Betty Torralba.

 

#LaLunaSangre @lalunasangreofficial Unit 2 naman kami today.


A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Gelli ang kanyang working experience kay Maymay Entrata na kanyang madalas na nakakasama sa eksena. Ayon sa aktres, malayo ang mararating ni Maymay dahil sa interest nito sa kanyang ginagawa.

 

 

#LaLunaSangre @lalunasangreofficial Toralba Fam! #HappyFamily

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

"She's such a darling. I love Maymay, she is such a darling talaga kasi ang bilis na pumik-up, ang bilis nya maka-intindi. Kapag di siya maka-intindi ng something, magtatanong siya. She's always willing to learn," sabi pa ni Gelli.

Bukod kay Maymay, todo papuri din si Gelli para sa kanyang pamangkin sa teleserye na si Daniel Padilla dahil sa pagiging magaan nitong katrabaho.

 

"Kasi tiyahin niya ako sa palabas. Naging importante sa akin to have a relationship or a connection with him and it's so easy for me to connect with him because he's so open," ani pa ng aktres.

Abala man ngayon sa teleserye, masayang-masaya din ngayon si Gelli para sa dalawang anak nila ni Ariel Rivera na si Joaquin at Julio na kapwa nag-aaral na ngayon sa Canada.

Proud din si Gelli sa kanyang mga binata dahil sa pagiging masunurin nito sa kanilang mga pangaral ni Ariel.

 

 

The 3 men in my life. #mahboys #myfamily

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

"To respect women at siguro kung paano ako tinatrato ng tatay nila, ganoon din sila dapat sa magiging girlfriends nila," pahayag pa ni Gelli.