• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon talks about playing a love interest to older women.

EXCLUSIVE: Allen Dizon plays lover to Liza Lorena in a new indie movie

Allen Dizon talks about playing a love interest to older women.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/30/2017 09:23 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon plays lover to Liza Lorena in a new indie movie

 

Ang ATD Productions, na isa si Allen Dizon sa may-ari, ang producer ng latest indie film na Persons of Interest kung saan siya rin ang bida. Kasama ni Allen sa pelikula ang kapwa Kapampangan stars na sina Liza Lorena at Dimples Romana.

The film is under the direction of Ralston Jover na director din ng critically-acclaimed movie na Hamog from Cinema One Originals.


Wala bang pressure being the producer and an actor at the same time sa ginagawa niyang pelikula?

“Para sa akin wala naman. Hindi kasi ako yung more on sa financial, artista lang ako sa pino-produce ng ATD. May mga konting support ako pero hindi ako 100 percent producer. Kumbaga, hindi sa akin nanggagaling lahat ng pera.

“Ang nakaka-pressure sa akin ay yung mismong role, eh. Kasi medyo mahirap yung binibigay na role sa akin,” paliwanag ng award-winning actor.

Allen played a deaf and mute father in another indie film titled Bomba na hindi pa naipapalabas pero magko-compete sa ilang A-List international film festival. In his recent film na Persons of Interest ay isang blind cook na character naman ang kanyang ipo-portray.

“Interesting yung character ko dito kasi bukod sa blind cook ako, eh, mai-involve ako sa isang older woman played by Liza Lorena tapos magiging suspect ako sa mass poisoning.

“Bilang isang bulag, kailangan ko talagang aralin yung karakter ko. Lalagyan ang mata ko ng prosthetics dito kaya dapat aralin ko mabuti kung paano lumakad ng walang hawak na stick,” kuwento ng award-winning actor about his role.

Dagdag pa ni Allen, hindi raw siya nakakaramdam ng awkwardness kahit pa mas matanda sa kanya ang babaing lover sa ginagawang pelikula.

“Nagkaroon na ako before na mas may edad din sa akin yung lover ko, si Miss Oro (Elizabeth Oropesa) sa Mamasang. So, meron na akong idea sa ganu’n.

“Hindi na rin naman ako bata. Kaya ko na yung ganun. Actually, mas marap pa ngang kapartner yung mga ganu’n, eh, like si Tita Liza at Miss Oro, kasi wala na yung mga inhibitions. Matured na yung karakter,” katwiran ni Allen.

Nabanggit din ni Allen sa interbyu ng PUSH na wala pa siyang balak magretiro sa pag-arte at maging full time producer.

“Mas gusto ko pa ring umarte. Mas natsa-challenge akong umarte lalo na kung mahirap yung role na ibinibigay sa akin. Siguro, yung pagdidirek pag-aaralan ko, pero yung pag-arte malabong iwan ko,” sambit pa niya.

Pero hindi rin naman daw niya isinasasara ang isip na balang araw ay magpo-produce din siya.

“Siguro kung galing sa akin yung concept o yung material baka subukan ko rin,” hirit pa ni Allen.