Ella Cruz on Xian Gaza: ‘Hanggang magkaibigan lang po kami’

Ella Cruz speaks up about her involvement with Xian Gaza.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/30/2017 10:15 AM
Ella Cruz on Xian Gaza: ‘Hanggang magkaibigan lang po kami’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Ella Cruz ang naging ugnayan niya sa kontrobersyal na businessman na si Xian Gaza. “Ang totoo po niyan marami talagang nangyari. Well actually, lumabas naman po lahat. Pero katulad po ng sinasabi ko ayaw ko na po pag-usapan kasi tapos naman na po. Naging business partners po kami. Nung una po siya yung lumalapit and then nag-open siya ng business for my dance studio before. Tapos nagkaroon po ng mga problema. The usual na mga problema po na nagkakaroon sa business, hanggang sa meron pong mga hindi magandang mga nangyari na.”

Pagpapatuloy ni Ella, “naging mabuti po kaming magkaibigan. Hanggang magkaibigan lang po kami pero dahil nga po may business involvement, hindi ko pa rin naman po pa ganun kakilala ang tao. Mali po pala magtiwala kayo agad sa isang tao.”


Hindi rin daw si Ella niligawan ni Xian at “medyo hindi” raw maganda ang naging paghihilway nila.

Tinanong rin si Julian Trono, na kasama ni Ella sa naturang interview, kung sila ni Ella at sinabi ni Julian na, “no Tito, we’re not.” Nililigawan naman kaya niya si Ella? Ang sagot ni Julian, “we’ve known each other for a very, very long time. And I think jumping to a relationship or to something na may label, ang dali na lang para sa amin. Pero sa ngayon sabi ko let’s value first yung opportunities.”

Pagkukumpirma naman ni Ella sa sinabi ni Julian, “parang ganun na nga po.”