• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban nagbigay ng reaction sa viral kissing photo nila ni Empoy

Angelica Panganiban willing ba maging leading man si Empoy?

Angelica Panganiban nagbigay ng reaction sa viral kissing photo nila ni Empoy

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/03/2017 09:50 AM
Angelica Panganiban willing ba maging leading man si Empoy?

 

Hot topic kamakailan sa social media ang naging pagnanakaw umano ng halik ng komedyante na si Empoy Marquez sa aktres na si Angelica Panganiban.

Sa masayang kuwentuhan with Angelica sa pictorial ng kanyang upcoming comedy film na Ang Dalawang Mrs. Reyes under Quantum Films, nagbigay ng pahayag ang aktres kung na-offend siya dito.


"Medyo, (laughs) kasi hello? Nakakahiya din sa kanya kasi parang tini-tingala na ngayon si Empoy, hindi na siya si Empoy lang. Ngayon may apelyido na siya, Empoy Marquez na siya kaya nag-iiba na talaga ang mga tao at nahihirapan ako mag-adjust," pagbibirong pahayag ni Angelica 

"Minsan nakaka-offend, kasi nakilala ko siya simula umpisa. Ang hirap naman ng transition niya sandali lang after 24 hours na realize ko okay na din yun Empoy na siya. Pag nagkatuluyan kami ni Empoy malay mo di ba mayaman pala siya," dagdag na biro pa ni Angge.

Dahil binabansagan ngayon bilang “The New Pogi” si Empoy, naitanong din sa Banana Sundae star kung may chance ba ito sa kanya kung sakaling ligawan siya nito.

"Wala! Agad agad!" (Laughs) 

"Wala kasi magkaibigan kami noon pa e. Ang tagal na namin magkakilala. Parang mga 2004, 2005 pa kami magkakilala kaya parang imposible naman. Maligo muna siya (laughs). Hindi kasi siya naliligo at honest naman siya doon," masayang pahayag ni Angelica.

Wala man chance sa puso ni Angelica si Empoy, may chance naman kaya ito na maging leading man niya in the future?

"Papayag naman ako," ani ni Angge.

"Kasi kapag nag Banana Sundae siya which is every Thursday namin ginagawa, nag-toothbrush siya every Thursday e. Nag request ako sabi ko huwag lang sa umaga ah, after mo din mag-dinner magsipilyo ka din.(laughs) Nakakatuwa kasi talagang sinunod niya, masunurin di ba? E natutuwa ako sa mga ganun e  kaya may chance na pwede ko siya maging leading man," masayang kuwento pa ng aktres.

Wala din daw limitation si Angelica kung sakaling mabibigyan nga sila ng proyekto ni Empoy, pero kung matutuloy umano ito may hiling ang aktres kay Empoy.

"Wala naman! Magsipilyo lang naman talaga siya.(laughs) Yung ligo parang kaya ko pa, pero yung sipilyo parang medyo mahirap kausap pag ganun e," pagbibirong pahayag ni Angelica.