• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil tumanggap ng bonus para sa ‘Kita Kita’, Alessandra De Rossi at Empoy Marquez ano nga ba ang regalo sa sarili?

Alessandra De Rossi at Empoy Marquez nagulat na nakakuha ng bonus sa ‘Kita Kita’

Dahil tumanggap ng bonus para sa ‘Kita Kita’, Alessandra De Rossi at Empoy Marquez ano nga ba ang regalo sa sarili?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/03/2017 09:48 AM
Alessandra De Rossi at Empoy Marquez nagulat na nakakuha ng bonus sa ‘Kita Kita’

 

Patuloy pa din ang pamamayagpag sa takilya ng pelikulang pinagbibidahan ng bagong tambalan nila Alessandra De Rossi at Empoy Marquez na Kita Kita.

Dahil dito, hindi pa din makapaniwala ang tandem ng AlemPoy na sila Alessandra at Empoy na umabot na sa 230 million pesos na ang kinita ng kanilang unang pelikulang pinagsamahan.


Sa pag-ani ng tagumpay ng AlemPoy, nakapila na ngayon ang mga pelikulang kanilang pagsasamahan. Pagbibiro pa ng aktres, heavy drama muna sana ang next movie nila ni Empoy.

"Heavy drama naman po tayo. Gusto ko umiyak si Empoy, hagulgol, waling, ganon!" pagbibiro ni Alessandra.

"Siguro kung may follow-up, baka mag-expect na sila magkatuluyan kami ni Empoy nun!" (Laughs)

Maikling pahayag naman ang naging reaction ni Empoy sa kanya ngayon bilang bagong meaning ng pogi

"Acceptance is real eh!" (Laughter)

Kasabay ng kanilang tagumpay, malaking bonus din ang ibinigay sa kanila ng producer na si Piolo Pascual na ipinagpasalamat ni Alessandra at Empoy. Ani ng tandem, nasanay sila sa small budget movies at supporting roles sa mga pelikula.

 

Ang mga producers ng 200 Million movie na Kita Kita #kitakita

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Nung sinabi nga na may bonus, natulala muna ako ng konti tapos ‘Do I deserve it?’ Sige para nalang sa lahat ng umutang sa akin na never nagbayad," ang reaksiyon ni Alessandra.

Si Empoy naman inilaan para sa future ang malaking bonus na natanggap.

"Siguro po banana costume po! (Laughs) Hindi savings po para po sa future po at sa family."

Sa ngayon, patuloy pa din sa pag arangkada ng Kita Kita at naghahanda na din para sa International screening.