• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual nag-react sa pagpapa-tattoo ng anak na si Inigo.

Pagpapa-tattoo ni Inigo aprubado nga ba ni Piolo Pascual?

Piolo Pascual nag-react sa pagpapa-tattoo ng anak na si Inigo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/29/2017 09:34 AM
Pagpapa-tattoo ni Inigo aprubado nga ba ni Piolo Pascual?

 

Pinag-usapan kamakailan sa social media ang mga kumalat na larawan ng kapamilya star na si Inigo Pascual na nagpapa-tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang balakang.

Dahil dito nagpahayag ng kanyang saloobin ang kanyang ama na si Piolo Pascual sa naging desisyon ng kanyang anak.


"May edad naman na yung anak ko. Then kung ano man yung maging desisyon niya, it’s better for me to support him than go against him with his desire," pahayag ni Piolo sa pictorial ng kanyang upcoming movie with Toni Gonzaga na Last Night.

Pagbibiro pa ni Piolo, si Direk Joyce Bernal umano ang nag-udyok sa kanyang anak sa naging desisyon nitong magpa-tattoo.

"Hindi ako ang may kasalanan non. Yung totoo niyang ina ito [Joyce Bernal] (laugh)," pagbibirong pahayag ni Piolo.

Pero para sa actor, todo suporta pa din siya sa kanyang unico ijo sa ano man ang maging desisyon nito pagdating sa kanyang personal na buhay.

"For me at the end of the day, anak ko yan. Kahit ano gawin niya mali man o maganda kailangan andon ako para ma-guide natin ng maayos," sabi pa ni Piolo.

Dagdag pa ni Piolo, masaya siya na open sa kanya ang anak sa nagiging plano nito sa kanyang buhay.

 

 

Taking ze son to his first day of school for summer classes... such a hardworking dude:) 💪 gooshab champ! 👊🏿

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

"Mas mabuti na yung nagrerebelde yung tao nakikita mo at yung pagrerebelde niya hindi masama. So whatever he does as long as I know hindi siya nakakasakit ng tao, hindi siya manggagamit ng tao, I'll be there for him," pahayag pa nito.