• Home
  • Fresh Scoops
  • The former sexy star says she tried to give advice to Sabrina M regarding her addiction to drugs.

Katrina Paula on Sabrina M’s drug case: ‘Lahat ng nangyayari sa buhay natin tayo ang gumawa’

The former sexy star says she tried to give advice to Sabrina M regarding her addiction to drugs.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/29/2017 06:32 PM
Katrina Paula on Sabrina M’s drug case: ‘Lahat ng nangyayari sa buhay natin tayo ang gumawa’

 

Malungkot ang dating sexy star na si Katrina Paula sa sinapit ng kaibigang si Sabrina M na nakapiit ngayon dahil sa isyu ng droga.

Ayon kay Katrina, malaki ang utang na loob niya kay Sabrina M at hindi raw siya makikilala sa showbiz kung hindi dahil sa kaibigang sexy star.


READ: Former sexy actress Sabrina M caught using drugs

“Lahat ng nangyayari sa buhay natin, tayo ang gumawa. Hindi ‘yon inutos ng kaibigan, hindi inutos ng kamag-anak. So kung ano yung nangyari sa kanya siya ang gumawa non.

“Ganun yung sinabi ko dun sa kapatid niya, eh. Parang kung gusto mong mapariwara yung buhay mo, gusto mo ‘yan, ikaw ‘yan. Choice mo ‘yon, walang pipilit sa ‘yo, ‘di ba?” litanya ni Katrina sa PUSH tungkol sa sinapit ng malapit na kaibigan.

Labis din daw niyang ikinalungkot ang nangyari kay Sabrina M.

“Masakit kasi kaibigan ko yon. Hindi ako magiging Katrina Paula kung wala si Sabrina. Yon talaga ang totoo dahil palagi akong dumidikit sa kanya at palagi akong kasama niya. So yung kasikatan niya noon, nadala ko rin.

“Sabi ko nga, siguro kaya hindi ako sumikat ng ganun kasikat noon dahil baka kung sumikat ako nang todo baka kung ano na rin ang nangyari sa akin.”

Pinayuhan na rin daw niya noon si Sabrina na ayusin na ang buhay nito pero parang hindi raw siya pinakinggan.

“Dati nagkita pa kami. Payat na siya noon. Sinabi ko sa kanya ‘yon (tungkol sa bisyo ng droga). Alam mo, hindi naman ako nagmamalinis na hindi ako nag-try ng ganun, ‘di ba, pero kung magpapadaig ka do’n sa bisyo na ‘yon kasalanan mo na ‘yun.

“Kasi hindi naman dapat ikaw ang dalhin ng bisyo na yon, eh. Ikaw dapat ang magdala sa bisyo na yon, dapat labanan mo. Kasi ang sarap ng buhay, eh,” sambit pa niya.

Pero ngayon daw ay hindi na niya nakakausap ngayon ang kaibigan.

Aniya, “Wala na. Takot akong pumunta sa kanya, kasi ‘di ba … hindi ko siya nadadalaw kasi nga natatakot ako kasi drugs na ‘yon, eh.

“Siguro naman naiintindihan din niya ako, kasi nakakatakot talaga.”

Samantala, ire-represent ni Katrina ang bansa para sa international pageant na Mrs. Queen of VOAA Universe na gaganapin sa Japan on Sept. 4.

READ: Katrina Paula to represent PH in international pageant in Japan 

Ayon sa dating sexy star, hindi siya nagpagawa ng gowns sa mga sikat na fashion designer ng bansa.

“Walang pangalan, walang ganun. Super go kami sa Divisoria para sa gown. Tumawad talaga ako, ‘Magkano, P5,000? P3,000 na lang yan. Apat na gowns ang dadalhin ko,” natatawa niyang kuwento.

“Ang bongga ng mga gowns ko pero galing Divisoria. Three pok (thousand) lang, ganun,” natatawa uling hirit ni Katrina sa PUSH.