• Home
  • Fresh Scoops
  • Thess Pineda says Jake is finally free to tell his side of the story.

Jake Zyrus’ grandmother sides with him on his ‘controversial’ MMK story

Thess Pineda says Jake is finally free to tell his side of the story.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

08/28/2017 01:10 AM
Jake Zyrus’ grandmother sides with him on his ‘controversial’ MMK story
Photo credits to the owner

 

Naging matunog ang kwento ng buhay ni Jake Zyrus na kilala din bilang si Charice Pempengco nang mag-react ang kanyang inang si Raquel Pempengco at sinabing hindi siya sang-ayon sa mga nilahad niya sa Maalaala Mo Kaya.

Read: Jake Zyrus mom cries foul over singer’s MMK story


Nagsalita naman ang singer sa social media at sinabing hindi niya inilahad ang kwento ng buhay niya para manira ng tao, kundi sinabi lang naman niya kung ano ang totoo.

Nagkomento naman ang lola niyang si Thess Pineda at sinabing nararapat lamang na ilabas ni Jake ang kanyang nararamdam at naniniwalang tama ang bersyon ng kwento niya sa MMK. Sinabi rin niyang naghirap na si Jake at wala di umanong ginawa ang kanyang ina.

 “Tama lang yan, sige sweetheart isigaw mo’ng sakit na nararamdaman mo na yan bata ka palang dinanas muna ang kalupitan na yan. Huwag kang matakot nandito akong magpapatotoo niyan,” bungad ng post ni Lola Thess.

Sinabi pa nito, “Bayaan niyong isigaw niya yang nasa damdamin niya, malaya siyang gawin yan dahil nagampanan na niya ang tungkulin niya sa mommy niya.”

Basahin ng buo ang pahayag ng Lola ni Jake sa kanyang Facebook post: