• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Matmat inspirasyon niya ang mga Miss Universe beauties na sina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Miss Q & A grand finalist Matmat Centino open bang mag-mentor sa mga gustong maging beauty queen?

Ayon kay Matmat inspirasyon niya ang mga Miss Universe beauties na sina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/28/2017 12:53 AM
Miss Q & A grand finalist Matmat Centino open bang mag-mentor sa mga gustong maging beauty queen?

 

Masayang masaya ang It's Showtime Miss Q and A grand finalist na si Matmat Centeno ng nakapanayam ito ng PUSH sa naganap na thanksgiving party nito kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.

Ibinahagi ni Matmat ang kanyang kasiyahan sa kanyang naging tagumpay sa pag-abot niya sa grand finals kabilang na ang ilan sa kanyang mga plano sa kanyang naipon na premyo.

 

Pasok na sila Juliana at Matmat sa Grand Finals! Sino kaya ang susunod sa kanilang mga yapak? Photo Credits to Ford Lariosa

A post shared by It's Showtime (@itsshowtimeofficial_ig) on

"Sa ngayon ipon muna, dapat maingat ka paano mo spend ang pera dati nakapag paaral ako ng pamangkin ko pero ngayon para sakin muna gusto ko lang may nakikita akong naka pondo sa bank account ko kasi hindi naman palaging andyan ang mga kapatid at magulang ko kaya hangga't namumulaklak ka, matuto kang mag harvest at ilagay ito sa tama," sabi ni Matmat.

Sa ilang dekada na pagsali ni Matmat sa mga beauty pageant, aminado siya na importante sa kanya ngayon ang Miss Q and A dahil naniniwala siya ipinagkaloob ito sa kanya ng Panginoon.

"Not to brag myself, pero ako po yung tipo ng tao na hindi naghahanda gusto ko impromptu kung may paghahanda man siguro palagi ako nagdarasal at paulit ulit ko dinarasal 'if it’s Gods will, thy will be done' kasi kahit gaano ka man kagaling kung hindi naman talaga para sayo hindi ma gaganap yan," ani pa nito.

Dahil sa galing at husay niya sa pagsagot sa mga impromptu questions sa entablado, aminado si Matmat na gaya ng ibang kontesera iniidolo din niya ang mga sikat na personalidad na siyang pinaghugutan niya minsan ng kanyang inspirasyon.

"Noong bata ako sina Miss Universe Gloria Diaz, Margie Moran, of course si Pia Wurtzbach tapos yung ilang bago ngayon si Nicole Cordovez. Naaliw ako kasi gusto ko yung babaeng they have something to share not physically but internally may wisdom and lastly responsible sila sa pagiging maganda at matalino nila," paliwanag ni Matmat.

Sa kanyang pag papamalas ng talino sa pagsagot sa mga katanungan sa entablado, hinahangaan ngayon si Matmat hindi lang ng mga kapwa gay beauty queens, kundi ng mga kababaihan na nagnanais maging beauty queen. Aniya bukas din daw siya na posibilidad na maging coach kung may mangailangan nito.

"Keri! Syempre flattering pero hahanapin ko padin kung ano yung naturalesa nila, Hindi yung ipagagaya ko kung sino ako kasi parang damit yan, kailangan I-customized mo kung ano ang bagay sa kanya dahil kung Hindi naman akma sa kanya ang style ng pag sagot ko magmumukha lang siyang plastic doon sa entablado."

Sa ngayon ine-enjoy muna ni Matmat ang kanyang mga libreng oras bago sumalang sa grand finals ng Miss Q and A sa It's Showtime.