EXCLUSIVE: Lovi Poe, hindi naitago ang paghanga kay Coco Martin

Lovi Poe gusto makatrabaho si Coco Martin.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/27/2017 10:08 AM
EXCLUSIVE: Lovi Poe, hindi naitago ang paghanga kay Coco Martin

 

Hindi naitago ni Lovi Poe ang paghanga kay Coco Martin na dalawang dating pelikula ng tatay niyang si Fernando Poe Jr. ang sabay na nire-remake ngayon. Bida si Coco sa Ang Probinsyano TV series at director at bida rin siya sa Ang Panday na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ani Lovi, “I’m really, really happy for him kasi talagang… he did Ang Probinsyano and now he’s doing Ang Panday.”


Kung may pagkakataon ay gusto rin daw niyang makatrabaho si Coco.

“Oo, gusto ko siyempre. Nakilala ko na siya and he’s so nice. Sobrang bait ni Coco. Never pa kaming nagkasama sa mga projects before,” sambit pa niya.

Kung inalok ba siya ni Coco na maging part ng Ang Panday ay papayag ba siya?

Sagot niya, “Of course, I would be really happy. And personally, it wouldn’t be a problem.”

Si Lovi ang leading lady ni Vhong Navarro sa Woke Up Like This na umaming pinaplano ng magpakasal. Wala ba siyang balak sumunod kay Vhong?

“Wala pa. Malayung-malayo pa ako do’n.

“I’m still in my 20s so enjoy pa ako,” maigsi niyang sagot.

Anong narealize niya after portraying a man’s character in Woke Up Like This?

“Na-realize ko na mahirap ding maging lalaki. But I always feel na ang mga lalaki, parang it’s always cooler to be a guy. Yung pag gising mo sa umaga, puwede ka ng bumangon at magpunta ng gym or mag-pool kahit walang ligo.

“I can not say na naintindihan ko lalo ang maging isang lalaki kasi parang a part of them will always be mysterious for me and I think that’s the beauty of being a man,” sambit niya.

As a girl, aminado si Lovi na humahanga din siya sa kapwa babae.

“Ako, as a woman and I think every girl, ako lagi kong pina-follow yung mga girls kasi ang ganda nila sa fashion, ganyan-ganyan.

“So I appreciate beauty not only pag guwapo ang isang lalaki na-appreciate ko din ang beauty ng isang babae.”

Nagkagusto na ba siya noon sa babae?

“Hindi ko pa naman po na-experience yon,” natatawa niyang sabi.

“But nung bata po ako nasa all-girl school po ako tapos walang lalaki sa bahay, so hindi ko alam kung ano yung difference ng babae sa lalaki. Sobrang boyish po talaga ako kumilos.

“Pero nung nilipat na po ako sa CoEd na school so ayun po naging ganito na po ako. Hahaha!” sey pa niya. Eh, sino ba ang girl crush niya kung meron man? “Ang girl crush ko ay si Iza Calzado. Of course, we’re friends but then I’m open to that… na talagang ang ganda-ganda niya.” Naisip mo ba na ligawan si Iza dati? “Ano ba yon? Wala namang ganun,” natatawang pagtatapos ni Lovi sa PUSH