• Home
  • Fresh Scoops
  • Guji Lorenzana idinetalye kung paano sila nagkakilala ng asawa.

EXCLUSIVE: Guji Lorenzana and wife found love on Tinder

Guji Lorenzana idinetalye kung paano sila nagkakilala ng asawa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/27/2017 09:59 AM
EXCLUSIVE: Guji Lorenzana and wife found love on Tinder
Photo credit togujilorenzana IG

 

Sa social dating app na Tinder nakilala ng singer-actor na si Guji Lorenzana ang babaeng kanyang napangasawa na isang Chinoy named Cheska Nolasco.

Nangyari daw ito after ng breakup nila ni Kaye Abad na according sa aktor ay halos tatlong taon din niyang nakarelasyon noon.


Sa interbyu ng PUSH kay Guji bago ang contract signing niya sa Viva Artists Agency (VAA), ibinahagi niya ang kanilang love story.

“Na-meet ko siya sa Tinder. Success story kami sa Tinder,” simula niyang kuwento.

Patuloy niya, “After nag-break kami ni Kaye, yung mga pinsan ko sabi nila, ‘Heartbroken ka, mag-Tinder ka, bago app ito sa Pilipinas.’ Sabi ko, sige, I’ll join Tinder.

“So, gumawa ako ng profile and siguro yung mga first swipe ko, ilang swipe lang yung wife agad ang nakilala ko.”

May naramdaman daw agad si Guji na kakaiba kahit ka-chat pa lang niya sa Tinder ang napangasawa.

Sabi niya, “First time na nakita ko siya sa Tinder at naka-chat parang may naramdaman agad ako. Sabi ko, parang bagay ito sa akin.

“And then bumili ako ng tiket for Wicked kasi that time nandito yung Wicked play, yon yung first date namin. At first, ayaw niyang mag-date kasi sabi niya, ‘Wicked? Date agad?’

“I don’t know how, pero na-convince ko siya, so nag-date kami sa Wicked. And then it turns out na okey pala kami,” kuwento ulit niya.

Ayon kay Guji, ang napangasawa niya ay isang interior designer. Business-minded din daw ito.

Hindi ba siya nagtaka na nagti-Tinder din ang wife niya noon?

“No boyfriend siya since she was 21 dahil sobrang concentrated siya sa work. No boyfriend siya for the longest time. So, sabi din ng mga friends niya, mga sisters niya na mag-join din siya sa Tinder.”

Aminado naman si Guji na nung simula, nagti-Tinder lang siya to have fun o maghanap lang ng mga makaka-date.

“Eh, ganun naman talaga. We can’t avoid that,” pag-amin niya.

“For some reason, yung sa amin, success story talaga. When I joined, siyempre, yung isip ko sa Tinder was the same–for good time lang, have fun, single na ako, eh, so maghahanap ako ng ibang girls don.

“Pero dahil iba nga yung love story namin na sa Tinder nga nag-start, yung tito ko (Noel Lorenzana), when he spoke at a convention about internet, sa mga apps, ginamit din niya yung story namin as a success story for the future generation.

“So very proud naman kami that we found love at Tinder,” pahayag pa niya.

Ikinasal si Guji noong February 2016 at kasalukuyan pa lang bumubuo ng magiging pamilya.

“You know, after you break up with someone at after naging heartbroken ka and you meet someone after 30, alam mo na pag love na talaga, mapi-feel mo na kung totoo o hindi,” pagtatapos ng bagong contract star ng VAA.