Aiko Melendez reveals more shocking twists to watch out for in ‘Wildflower’

Aiko Melendez excited na sa book three ng ‘Wildflower’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/27/2017 10:15 AM
Aiko Melendez reveals more shocking twists to watch out for in ‘Wildflower’

 

Proud at happy ngayon ang aktres na si Aiko Melendez sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng late afternoon teleserye na Wildflower kung saan gumaganap siya bilang si Emilia Ardiente na mortal na kaaway ni Ivy Aguas na karakter naman ni Maja Salvador.

"I'm thankful and blessed, kasi ang Wildflower ay extended po kami. We’re going to be on book three. Hopefully sana mag last kami until next year," ani ni Aiko.

Dahil sa mahusay na pagganap ni Aiko sa kanyang role, naging favorite ngayon ang aktres ng mga netizen na madalas gumagawa ng mga memes o mga nakakatawang caption ng kaniyang mga eksena sa Wildflower.

 

Actually meme queen na nga daw ako. Mema kasi yung mga reactions kasi ni Emilia [Aiko's Character] sa Wildflower. Ang dali lagyan ng caption e, I feel flattered also. Ang nag-umpisa niyan si Vice Ganda. Nilait-lait ako ng kaibigan kong yan hanggang sa pumatok at kinagat ng mga tao," pahayag pa ng aktres.

Kahit na madalas na nagkakasakitan sa kanilang mga maiinit na eksena ni Maja, proud pa din si Aiko para sa pagiging proepesyonal ng dalaga.

 

 

hahaha @aikomelendez

A post shared by C × T 🔵 (@chestie_hotpink) on

"You know one thing I like about Maja ang tawag ko nga dyan Baby girl e, isang tinginan lang namin alam na namin kung paano mag ad lib, isang tinginan lang namin alam na kung paano i-arte ang mga eksena so I'm really blessed to be working with someone na kapag eksena niya, ibibigay ko, kapag eksena ko ibibigay niya. Kaya mahal ko si Maja," paliwanag pa ni Aiko.

Aminado si Aiko na dahil sa Wildflower, mas nakikilala na siya ngayon ng mga tao sa kanyang karakter bilang si Governor Emilia Ardiente.

 

"Emilia and Gov na ang tawag sa akin talaga and surprisingly sinusundo ko ang daughter ko and then may mga kids na nag pa picture sa akin. Ang sabi sa akin 'you know when I grow up I want to be like Emilia.' Sabi ko 'No please! Emilia is bad' ang sagot sa akin 'no we like you the way you talk, you're maarte and you're sosyal.' Sa loob loob ko nakaka-tense ang mga batang ito. Sometimes it's funny but it only goes to show that I'm effective kahit sa mga bata," pahayag pa ni Aiko.

Bukod sa Wildflower, abala din ngayon si Aiko sa kabi-kabilang pelikula gaya ng Balat Kayo at Tell Me Your Dreams na mapapanuod any time soon.