• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach says she owes her success to pageant mentor Jonas Gaffud.

Pia Wurtzbach reveals struggles to become a beauty queen in new book

Pia Wurtzbach says she owes her success to pageant mentor Jonas Gaffud.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/26/2017 09:58 AM
Pia Wurtzbach reveals struggles to become a beauty queen in new book

 

Sa book launch ng The Crown: Your Essential Guide To Becoming A Beauty Queen ng ABS-CBN Publishing, nagbigay saludo si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang mentor na si Jonas Gaffud. May mga bahagi sa libro na ikinuwento ang pinagdaanan ni Pia bilang beauty queen bago naabot ang tagumpay bilang Miss Universe.

"Very truthful naman lahat ng nakasulat. May mga time na nag-overthink ako, may mga time na medyo tumaba ako. Totoo naman lahat eh," sabi ni Pia.


Napa-throwback pa ng kuwento si Pia kung paano siya na-discover ni Jonas at dito na nagbukas ang magagandang oportunidad sa kanya.

"I wouldn’t be where I am today now if I didn’t meet Mama J (Jonas’s nickname). Si Mama J kasi ang naka-discover sa akin. Tulad nga nung lumabas sa MMK, nakita niya lang ako sa mall and sabi niya kung gusto ko maging beauty queen sabi ko oo naman. So kung hindi nangyari yun hindi siguro ako magiging Miss Universe," sabi pa ni Pia.

Tumatanaw ng utang na loob si Pia kay Jonas na ‘di nya lang mentor ngayon kundi isang malapit na kaibigan.

"I’m very proud of my Mama J and the rest of the Aces and Queens team for coming up with a book. It’s a manual, it’s a guide on how to become a beauty queen. It also tells our stories. Iba-iba ang pinaggalingan namin at iba-iba ang pinagdaanan namin," pagtatapos ni Pia.