Kiana Valenciano says Sam Concepcion inspires her to be more confident in her music

Kiana Valenciano explores new music

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/26/2017 09:45 AM
Kiana Valenciano says Sam Concepcion inspires her to be more confident in her music

 

All out support ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan sa kanilang only daughter na si Kiana Valenciano para sa second night ng performance nito sa Solaire hotel na Kiana With the Brass Munkeys kung saan umawit ito ng jazz music.

Kuwento ni Kiana, hilig na talaga niya ang jazz pero ito ang unang pagkakataon na aawitin niya jazz para sa isang series of shows.

"During my first night, I was really nervous. Since nandito ngayon ang family ko, andito yung friends ko medyo mas chill ng konti. But since I was a kid pa naman mahilig naman talaga ako sa jazz and sa band. Parang ganun din naman yung sound ko, but for now I'll play this kind of genre and try this out," ani pa nito.

Ayon kay Kiana, number one critic niya ang kanyang mga magulang na kapwa mang-aawit kung kaya para sa kanya mas kampante siya na pinapanuod siya nito.

"I think it makes me feel more comfortable kasi the one thing that I enjoy about having my parents watch is after the show nabibigyan pa nila ako ng tips so that is something that I really needed," paliwanag ni Kiana.

Masaya din si Kiana para sa suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang special someone na si Sam Concepcion na kahit na wala dito sa Pilipinas ngayon ay patuloy pa din ang pag-inspire sa kanya.

"I'm a very shy person pa talaga when I'm performing on stage. He always tells me to be more confident while singing on stage. He inspires me by leading examples kasi I see how much he loves what he does when he's on stage," sabi pa ni Kiana.

Gaya ng pag-suporta sa kanya ng kanyang mga magulang, suportado din ni Kiana ang kanyang kuya na si Gab Valenciano na masaya na din ngayon sa kanyang buhay pag-ibig.

 

Twinning 👯

A post shared by Kiana 🌙 (@kianavee) on

Read: Is Gab Valenciano ready to fall in love again?

"It's nice to see my brother happy that's all I can say right now. It's always good to see someone you love happy," pahayag pa ni Kiana.

Muling mapapanuod si Kiana with The Brass Munkeys sa huling gabi ng show ngayong August 30 sa Eclipse Bar Solaire Resort and Casino.