Myrtle Sarrosa at ex na si Brian Poe Llamanzares nagkita sa movie premiere

Myrtle Sarrosa also reacts to ‘retoke’ issue

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/25/2017 09:44 AM
Myrtle Sarrosa at ex na si Brian Poe Llamanzares nagkita sa movie premiere

 

Feeling thankful ang aktres na si Myrtle Sarrosa para sa mga blessings na kanyang natatanggap ngayon. Matapos niyang grumaduate sa kanyang kurso na Broadcast Communication sa UP Diliman, busy ngayon ang aktres para harapin ang kanyang mga showbiz commitments kabilang na ang kanyang endorsement sa Sisters sanitary napkin.

Ilan sa mga pinagpapasalamat ni Myrtle ay ang kanyang naging appearance sa top rating teleserye na La Luna Sangre kung saan gumanap siya bilang isa mga bampira na malapit sa karakter ni Richard Gutierrez


"Supposedly yung role ko dun two weeks lang ata talaga siya, pero natuwa siguro sa acting ko sa bampira na extend na po siya for two months hanggang sa napalitan na yung role from an ordinary vampire to assistant na ni Supremo. Kaya thankful po ako kasi kahit maikli yung role ko tumatak siya."

Isa din sa naging pinagka-abalahan ni Myrtle ang kanyang naging cameo role sa comedy movie ni Lovi Poe at Vhong Navarro na Woke Up Like This kung saan nagkita sila ng kanyang ex-boyfriend na si Brian Poe Llamanzares na nagbigay suporta noon sa kanyang tiyahin na si Lovi Poe.

"Yes nag-cameo kasi ako sa movie and that was the first time ata na nagkita kami after ng relationship namin. Hindi naman awkward I think it's because pareho naman kami nakapag-move on na. Nakakatawa lang minsan yung fate kasi nagkataon pa na magkasunod lang yung mga upuan namin," sabi pa ni Myrtle.

Pagdating naman sa kanyang hobby, nakilala din ang dalaga sa pagiging cosplayer kung saan nagbabago-bago ang kanyang itsura. Dahil dito, sinagot na din ni Myrtle ang matagal ng katanungan ng ilan sa kanyang mga followers kung dumaan na din nga ba siya sa beauty ng science.

"Wala po. Similar po from last year, I'm still the same person. Sa mga nagsasabi ng ganun, I think how I exude myself sa mga bagay na like I was seventeen before now I'm twenty-two ngayon it’s a different style, different look and different me na gusto ko i-portray," pahayag pa ni Myrtle.