JC de Vera speaks up on Paul Salas and Daniel Padilla’s ‘heated argument’ online

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

08/25/2017 08:42 PM
JC de Vera speaks up on Paul Salas and Daniel Padilla’s ‘heated argument’ online
Photo credits to the owner

 

Naunang naka-initan ni Daniel Padilla si JC de Vera sa idinaos na Star Magic All-Star Game na agad din namang nagkaayos matapos humingi ng paumanhin ang The Better Half star.

Matapos nito ay muling nadawit ang pangalan ni Daniel sa isyu dahil sa pagsagot niya ‘di umano sa isang post ni Paul kung saan nagkomento ito sa laro nina Daniel at JC.


Read: Paul Salas at Daniel Padilla, may bangayan sa Twitter?

"As in lahat kami peaceful naman, wala namang nangyaring away talaga. Pinalaki lang actually ng mga tao, pero wala namang serious na away na nangyari," kwento ni JC sa ABS-CBN News. (JC De Vera reacts to Daniel Padilla-Paul Salas feud)

Nauna naman nang nagsalita sina Paul at Daniel at sinabing “misunderstanding” lamang ito.