• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Dimples Romana, masaya daw ang kaibigang si Angel Locsin ngayon.

EXCLUSIVE: Dimples Romana sa relasyon ni Angel Locsin at Neil Arce: 'Wala akong nakikitang masama kung sila ang magkatuluyan'

Ayon kay Dimples Romana, masaya daw ang kaibigang si Angel Locsin ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/25/2017 10:00 AM
EXCLUSIVE: Dimples Romana sa relasyon ni Angel Locsin at Neil  Arce: 'Wala akong nakikitang masama kung sila ang magkatuluyan'
Photo credit to owners

 

Habang wala pang ginagawang bagong teleserye sa ABS-CBN si Dimples Romana ay gagawa muna siya ng indie film sa ATD Productions titled Persons of Interest kasama sina Allen Dizon at Liza Lorena.

Sa storycon ng pelikula, masayang ibinalita ni Dimples kung ano ang nararamaman niya kapag gumagawa ng indie film.


Aniya, “Every time that I get a chance to do films in between teleseryes, I really make sure that I get to do different forms of films.

“It’s nice kasi, eh. Parang you know, as an actor, you want to also be able to stretch a little bit and you have more freedom kasi in independent film, eh.

“Yung mga formula movie, alam na natin yan kahit papaano, eh. Independent film I guess, for us actors, may freedom kami to be able to stretch a little bit in terms of interpretation,” paliwanag ni Dimples kung bakit gustung-gusto niya ang indie.

Of course, bilang kaibigan ni Angel Locsin, sinamantala na rin namin ang pagkakataon na tanungin siya tungkol sa real status ng relasyon ng aktres sa producer na si Neil Arce.

Sina Angel at Neil na ba?

“Alam mo, hindi ko kasi… Siyempre, ang tagal ko na kasing kaibigan si Gel, eh. Hindi ko masagot kasi ayoko rin to over step,” lahad niya sa PUSH.

“Kasi minsan, may mga relasyon na hindi mo pa ma-labelan, eh, di ba? May ganun talaga, eh. Kahit sa normal na tao, whether artista o hindi, merong mga relasyon na nagbo-bloom pa lang. So ayaw mong pangunahan,” dagdag niya.

Hindi rin daw niya masyadong nakakasama lately ang kaibigan kaya wala siyang masabi kung boyfriend na nga ni Angel si Neil.

“Kasi hindi ko pa ulit sila nakikita recently kasi busy rin ako kasi two years old pa lang si Alonzo. Ang main priority ko ngayon kung wala akong trabaho nasa pamilya ako. Alam ni Gel yon,” katwiran niya.

Pero kahit naman daw madalang silang magkita ni Angel, walang nagbabago sa kanilang friendship.

“Ang pagkakaibigan namin hindi nagbabago kahit 10 buwan kaming hindi mag-usap. Pag nagkita kami it’s the same weight, so ganun yung dynamics namin,” reaksyon pa niya.

Masaya ba si Angel ngayon?

“Oo naman. Masaya si Angel. Ang maganda lang kasi kay Gel, she’s a very strong woman, eh. Marami na kasing pinagdaanan sa buhay yung babaeng yan, eh, kaya dahil don napatatag na siya non.

“Kaya alam mo, umiyak si Gel (noon), kasi mahal na mahal niya yung huli, pero hindi niya naman yon tinago, eh. Di ba pag tinatanong siya before, sasabihin niya.

“Si Gel kasi is very honest. She’ll really say it. Ngayon okey naman siya. Kaya rin hindi nawala yung tiwala ng tao sa kanya kasi she’s very honest.

“Pag nasasaktan siya she’ll say it. Pero ngayon, since she’s okey, she’s happy, tahimik ang buhay niya, okey yon for her,” pagde-describe niya sa kaibigan.

Eh, si Neil, okey naman ba sa kanya para kay Angel?

“Kami ni Neil, nagkikita na kami noon kasi friends na sila ni Gel matagal na. Natuwa lang ako kasi naaalagaan niya si Gel. Don ako natuwa talaga na naaalagaan niya.

“Wala din naman akong masabi kay Neil kasi napakabait din namang tao niyan sa akin,” she said.

Bagay ba sina Angel at Neil?

“Oo naman. Nagtrabaho namang mabuti si Neil. He came from a good family and si Gel di naman pareho. Gel takes care of her family, so wala akong nakikitang masama kung sila ang magkatuluyan.”

Samantala, huling nakatrabaho ni Dimples si Allen sa pelikulang Burgos ni Direk Joel Lamangan. This time, gaganap si Dimples bilang anak ni Liza Lorena na tutol sa relasyon nito kay Allen na gumaganap namang bulag na cook sa pelikula ni Ralston Jover.