• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson at McCoy De Leon, busy sa paggawa ng teleserye at pelikula

Elisse Joson gives update on ‘Ang Panday’ movie

Elisse Joson at McCoy De Leon, busy sa paggawa ng teleserye at pelikula

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/25/2017 09:40 AM
Elisse Joson gives update on ‘Ang Panday’ movie

 

Abala ngayon ang kapamilya actress na si Elisse Joson sa mga proyektong nakalinya sa tambalan nila ni McCoy De Leon. Mula sa upcoming teleserye na The Good Son, abala din ang dalaga sa shooting ng isa sa mga pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival ni Coco Martin na Ang Panday.

"Yes nagsimula na po Ang Panday. Siguro naka-four days na po kami ng shoot and so far talagang nakakabilib po talaga ang mga nangyayari sa shooting namin kasi si Kuya Coco siya po yung director, siya din po yung talagang hands-on sa script and guidance sa mga actor," sabi pa ni Elisse.

Dahil hands-on director sa kanila si Coco na first time mag direk ng pelikula, kuwento ni Elisse talagang sineseryo umano nila ang mga eksenang ginagwa sa set.

"Kapag nasa director mood na si Kuya Coco, very serious na yan kaya dapat seryosohin mo din ang trabaho mo," kuwento pa ni Elisse.

Hindi pa man sumasabak sa mabibigat na eksena, nagpapasalamat naman ang dalaga para sa masayang samahan nila ng mga artista na kasama sa Ang Panday.

"So far wala pa po ang mga mabibigat na eksena puro happy scenes pa lang, pero masaya po kasi happy po ang pamilya namin sa set on and off cam."

Marami mang proyekto ngayon, mas pinipili pa din daw ni Elisse na mag-ipon kaysa sa bumili ng regalo para sa sarili.

"Sa ngayon po kasi ang ginagawa namin is naka-save po muna and pag may occasion lang doon lang po siguro ako mag regalo para sa sarili ko," pahayag pa ni Elisse.