Vhong Navarro reveals future movie projects

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/24/2017 12:22 PM
Vhong Navarro reveals future movie projects

 

Halo-halong emosyon ngayon ang nararamdaman ng It's Showtime host at komedyante na si Vhong Navarro sa naganap na premiere night ng kanyang pelikula na Woke Up Like This ng Regal Entertainment kung saan kasama niya si Lovi Poe.

 


 

One day, @vhongx44 and I #WokeUpLikeThis !!😱 Showing on August 23!!!♥️♥️♥️

A post shared by Lovi Poe (@poevirginia) on

Kuwento ni Vhong, masayang masaya siya dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na nakasama niya sa maikling panahon ng shooting.

"Sobrang relax kami sa bawat isa, hindi lang habang ginagawa namin ang pelikula kasi sobrang nag bonding kami ng mga cast and mga staff. Tapos sobrang cool pa ni Mother Lily kaya talagang ma-miss ko ang samahan namin," sabi pa ni Vhong.

Ayon kay Vhong, madami pang dapat abangan sa kanya kabilang na ang ilan pang naka-linyang pelikula tulad ng sequel ng Mang Kepweng ng Cineko Productions.

"Mayroon tayong Mang Kepweng 2 kaya excited ako kasi nakagawa ako ulit ng pelikula at least solo ako nag part two tapos sa Regal after this film, mag meeting ulit kami kaya natutuwa ako dahil talagang nagtitiwala sila sa'kin at gusto nilang gumawa ulit ng proyekto kasama ako," kuwento pa nito.

Isa rin umano sa dapat abangan ang plano ng komedyante na magproduce rin ng pelikula gaya ng kanyang malapit na kaibigan na si Piolo Pascual.

"Actually nakakausap ko si Piolo e, si Piolo kasi kaibigan ko ang sarap ang dami kong matutunan kapag kausap ko siya kumbaga inaadvise niya ako kung ano ang next move ko."

Bukod dito, malaki din ang pasasalamat ni Vhong sa kanyang pamilya na buong puso ang ibinibigay sa kanyang suporta kahit na dumaan pa siya sa kahit anong pagsubok.

 

 

Milan 🇮🇹

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on

"Alam mo sila, simula pa lang ng day 1 andyan sila para mag dasal, nagpapaabot ng text message, yakap, 'yun 'yung mga nagpapalakas ng loob mo e, pero syempre ang lalong nagpapalakas sa'yo 'yung pananalig mo sa Diyos," pagtatapos na pahayag ni Vhong.

Mapapanuod ang Woke Up Like This simula August 22 sa mga sinehan buong Pilipinas.