• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Gerald Anderson para sa tagumpay ng pelikulang ‘AWOL’

Gerald Anderson, balak bang ipagpatuloy ang pag-produce ng pelikula?

Masaya si Gerald Anderson para sa tagumpay ng pelikulang ‘AWOL’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/24/2017 09:54 AM
Gerald Anderson, balak bang ipagpatuloy ang pag-produce ng pelikula?

 

All smiles ang aktor na si Gerald Anderson sa naganap na launching ng kanyang latest endorsement ng Cosmo Cee Vitamins. Dito masayang ibinahagi ni Gerald ang naging tagumpay ng kanyang pelikula na AWOL na kalahok sa unang Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan isa siya sa tumatayong producer.

Ayon kay Gerald, malaki din ang posibilidad na dumating ang panahon na seryosohin na niya ang pag-produce ng pelikula.


 

The deadliest weapon in the world is Lt.Abel Ibarra and his gun .. Awol Now Showing #PistaNgPelikulangPilipino #PPP2017 #awol

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

"Unti-unti siyempre. Malaking step yan kasi hindi pa ako sanay bilang producer, pero let's see, let's see. Natutuwa lang ako kasi nakapasok kami sa Pista ng Pelikulang Pilipino at nagustuhan ng mga tao," ani ni Gerald.

Tungkol naman sa personal na buhay ng aktor, inamin niya na good influence si Bea Alonzo sa pagiging fit at pagkakaroon ng healthy lifestyle.

"Nakakahawa kasi ang ganung lifestyle na meron ako. Masipag siya talaga. Araw-araw siya tumatakbo at nag-e-exercise. Minsan inaaya ko siya sa mga marathon kaya nakakatuwa yun minsan ang nagiging bonding namin," sabi pa ni Gerald.

Pagdating naman sa Ikaw Lang Ang Iibigin, dapat din daw abangan ang pagpasok ni JC Santos na magpapabago sa takbo ng eksena ng teleserye.

Read:JC Santos manggugulo sa tambalang Kimerald sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’

"Abangan nyo! Hindi ko puwede sabihin! Marami manggugulo katulad ni Jake at may papasok. Let's see! Medyo may connection! (Laugh) Malapit na!" pahayag pa ni Gerald.