• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil, may special participation nga ba sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano?
Enrique Gil, may special participation nga ba sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano?
Enrique Gil nag-react din sa bali-balitang si Daniel Padilla ang magiging leading man ni Liza Soberano sa ‘Darna’.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

8/24/2017 10:14 AM
Enrique Gil, may special participation nga ba sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano?


 

Fresh from their recent out of the country trip, all smiles sina Liza Soberano at Enrique Gil sa naganap na launching ng Close Up Closer Than Ever campaign kung saan sila ang bagong endorser.

Masayang nakipag-bonding ang tandem sa kanilang mga fans. Ayon kay Enrique, dapat na silang abangan sa kanilang nalalapit na proyekto.

"There's a lot of projects lined up for us so super excited to finally ipakita na sa tao yung mga ginagawa namin. Kasi medyo matagal na silang naka-abang so konting hintay na lang po at kami naman din po ang makikita niyo," ani ni Quen.

Kahit na mahihiwalay pansamantala si Liza kay Enrique para sa kanyang first Darna movie, proud pa din daw ang binata para sa kanyang leading lady.

"Siyempre I'm super, super happy for my leading lady (Liza) for all the blessings and I'm super proud of her," sabi pa nito.

Nahingan din ng reaksiyon si Quen kung pabor nga ba siya na maging leading man ni Liza si Daniel Padilla sa upcoming Darna movie na ito.

"Nagulat ako sa rumors nung nalaman nga na hindi nga ako yung kasama kasama dito. Well let's see. Maghintay na lang po tayo kapag lumabas na yung news," saad pa ni Enrique.

Bukas din kaya ang binata sa posibilidad na siya ang maging leading man ni Liza sa upcoming Darna movie?

"Hindi ko din sinasabing hindi (laughs)," matipid na pahayag ni Enrique.

Sa ngayon, abala ang LizQuen sa kanilang mga proyekto, kabilang na ang Bagani kung saan gaganap din sila bilang mga superhero.