Pia Wurtzbach todo paghahanda para sa kanyang costume sa ‘The Revengers’

Pia Wurtzbach excited na sa kanyang first lead movie role.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/23/2017 10:06 AM
Pia Wurtzbach todo paghahanda para sa kanyang costume sa ‘The Revengers’

 

Present sa naganap na book launch ng The Crown: Your Essential Guide To Becoming A Beauty Queen ni Jonas Gaffud ang isa sa talent nito na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Dito, nagbigay update si Pia tungkol sa kanyang upcoming movie with Star Cinema na opisyal na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na The Revengers kung saan makakasama niya sila Vice Ganda at Daniel Padilla.

 

"Nagsimula na sila. Yung sa akin inaayos pa yung fit ng costume ko, pero so far I can say na maganda talaga yung costume na gagamitin ko and excited na ako ipakita sa inyong lahat," sambit ni Pia.

Hindi pa man sumasalang sa shooting, binubuhos muna ni Pia ang kanyang oras sa pagkabisa ng kanyang mga linya sa pelikula.

"Basa basa muna ng script, binabasa ko lahat kahit na hindi ko eksena para naiintindihan ko ng mabuti yung story," sabi pa ni Pia.

Kasabay ng pag-aaral sa script ni Pia ay ang paghahanda din sa kanyang pangangakatawan para sa kanyang isusuot na costume.

 

 

@fadilberisha just sent me this. I miss him dearly and yes we will be working together very soon 💕

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

"Sa ngayon hindi ko pa talaga masabi kasi baka magbago pa. Hindi ko pa ma-reveal lahat kasi baka magbago pa yung color. May mga combat scenes kasi so ang importante walang masyado makita kasi bilang pang bagets din ang pelikulang ‘to. So talagang inaayos yung fit para kuha pa din yung shape ng body pero hindi masyado revealing."

Hindi man kinakarir ang pag-papapayat, gusto pa din daw ni Pia na maging fit at sexy para sa kanyang first-ever lead role project.

"Hindi naman, pero siyempre excited ako dahil first movie ko and big role ito for my first movie. Ang pinaghahandan ko siguro ngayon talaga yung acting ko so I'm taking acting workshops muna," pahayag pa ni Pia.