Paul Salas to Daniel Padilla: ‘Kung medyo nabastos siya pasensiya na’

Paul Salas apologizes to Daniel Padilla and fans.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/23/2017 11:51 AM
Paul Salas to Daniel Padilla: ‘Kung medyo nabastos siya pasensiya na’

 

Sa TV Patrol, pinarating ni Paul Salas ang apology niya sa aktor na si Daniel Padilla kaugnay ng naging iringan nila kailan lang. “Sana naman maintindihan nila. Kasi ewan ko ang alam ko, di ba sa lalaki pagdating sa basketball trash talk-an yan. So sabi ko kung medyo nabastos siya pasensiya na.”

Nag-sorry din si Paul sa mga fans ng Teen King. “Okay lang naman, di ko naman sila hate. Okay lang naman kung hate nila ako. Kasi siyempre nandiyan na rin sila, medyo na-involve na rin sila. Pasensiya na rin sila kung medyo nabastos rin sila.”


Nang tanungin kung tuloy pa ang basketball match up nila, ani Paul, “Nagkakausap na rin naman kami e. Ewan pa kung kelan magkakatugmaan ang sched namin nila DJ saka yung mga kaibigan niya. Kasi medyo busy rin sila.”

Ani naman ni Daniel, “hindi ko alam. Natatawa nga ako pag iniisip ko na magba-basketball talaga kami. Hindi. Sabi ko pag nagkataon na lang na magkita kami sa court, e di laro kami.”