• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda reveals what dream he managed to fulfill while on vacation in South Korea.

Vice Ganda fulfills another wish on his bucket list

Vice Ganda reveals what dream he managed to fulfill while on vacation in South Korea.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/22/2017 10:27 AM
Vice Ganda fulfills another wish on his bucket list

 

Abala man sa kabi-kabilang showbiz commitments, nag-time out kamakailan ang It’s Showtime host na si Vice Ganda para makasama ang kanyang nanay sa South Korea.

Kasabay ng kanyang Pusuan Mo Si Vice Ganda concert tour, naisingit ni Vice ang maikli at memorable na bakasyon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.


Sa naging maikling bakasyon ni Vice kasama ang kanyang ina, isang pangarap umano sa kanyang bucket list ang kanyang natupad.

"Sobrang saya ng Korean trip. Nabitin lang kasi kailangan ko na umuwi para sa opening ng District8 pero sobra kong na-enjoy. I had so much fun kasama yung nanay ko, yung mga kapatid ko. May mga nagawa ako sa bucket list ko.”

Kuwento ni Vice sa opening ng kanyang bagong business na District 8, walang kapantay na saya ang pagsasayaw nila ng kanyang ina na matagal na niyang gustong gawin.

 

Bucket list: Sweet Dance with the Queen of my life in front of the Korean Palace. 💯✅ #NANAY #Pagibig #Forever

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Naisayaw ko ang nanay ko, yun kasi yung dahilan kung bakit ko siya pinauwi. Naiyak ako talaga kasi ang sarap pala makakita ng anak at yung nanay nag sasayaw at hindi ko na-recall kung kailan ko huling naisayaw ang nanay ko," sabi pa ni Vice.

Dagdag pa ni Vice, naging maikli man ang kanilang bakasayon tumatak naman ito ng magandang alala sa kanya at sa kanyang minamahal na ina.

"Gusto ko magka-memory na kasayaw ko ang nanay ko. Pinauwi ko siya tapos sinama ko siya sa Korea. Dun kami sa palace, sinayaw ko siya," pagatatapos ni Vice.