• Home
  • Fresh Scoops
  • Ideal Marrying age ni Pia Wurtzbach, ibinahagi ng kanyang manager na si Jonas Gaffud.

Pageant expert Jonas Gaffud reveals his secrets to finding and training future beauty queens

Ideal Marrying age ni Pia Wurtzbach, ibinahagi ng kanyang manager na si Jonas Gaffud.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/22/2017 10:16 AM
Pageant expert Jonas Gaffud reveals his secrets to finding and training future beauty queens

 

Masayang-masaya ang pageant expert at kilalang beauty queen maker na si Jonas Gaffud sa naganap na second leg ng kanyang book launch na The Crown: Your Essential Guide To Becoming A Beauty Queen dahil sa suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

Dito, naikuwento ni Jonas ang kanyang mga naging experience sa buhay kabilang na ang matagal na proseso na pinagdaanan ng kanyang libro.

 

The Queens are here!!! Aces and Queens' The Crown ❤️❤️❤️ #thecrown #acesandqueens

A post shared by Jonas Antonio Gaffud (@jonasofmercator) on

"Sobra akong masaya kasi two years in the making ito. After manalo si Pia (Wurtzbach) noong 2015 sa Miss Universe, andaming offer. Pero pumayag ako sa ABS-CBN kasi pinuntahan ako ng personal ni Mr. Ernie Lopez kung nasaan ako para lang mag-oo ako sa ABS-CBN Publishing," ani pa nito.

Kuwento ni Jonas, mababasa sa kanyang libro ang ilan sa mga secret kung paano masungkit ang isang international beauty title.

"Akala ng iba siguro puro tips lang ito, pero andito yung tunay na kuwento ng mga beauty queen and kung ano din ang mga naging pinagdaanan nila," sabi pa nito.

Ayon pa sa pageant mentor, hindi din daw siya natatakot kung makuha ng ibang tao ang kanyang secret sa pag-train ng susunod na beauty queen dahil para kay Jonas ang lahat ay pwedeng maging isang mentor gaya niya.

 

 

Posture, Poise & Walking training for Miss Manila 2017 candidates by Sir Jonas Gaffud @jonasofmercator #missmanila2017

A post shared by Aces & Queens (@aces_and_queens) on

"Siguro yung secret ko na hindi nakukuha ng ibang tao yung eye for beauty. Mahirap yun. I think it’s a talent that the group has," paliwanag pa ni Jonas.

Present din sa naganap na book launch ang kanyang mga alaga na sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2016 Miss International Kylie Verzosa para magbigay suporta sa kanilang mentor.

Bilang isa sa tumatayong mentor at manager ngayon ni Pia, sinagot din ni Jonas kung ano sa tingin niya ang ideal age ni Pia ng pagpapakasal.

"She's 27 now. Ako there's no right time for her to settle down siguro yung mahanap nya ang tamang guy at yung buhay nya maayos nya," pahayag pa ni Jonas.

Sa ngayon mabibili na ang The Crown: Your Essential Guide To Becoming A Beauty Queen by ABS-CBN publishing sa mga bookstores nationwide.