Sa unang pagkakataon ay magkakasamang magtrabaho ang mag-inang sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sylvia na “grateful" and "blessed" siya sa bagong proyekto nila. Sa kasalukuyan, hindi pa sila naglabas ng ibang detalye tungkol sa teleseryeng ito.
Huling bumida si Sylvia sa telseryeng 'The Greatest Love' samatalang sa 'FPJ’s Ang Probinsyano' naman si Arjo.