• Home
  • Fresh Scoops
  • Dionne Monsanto admits she has been single for almost three years now.

EXCLUSIVE: Dionne Monsanto: ‘My love life is so boring!’

Dionne Monsanto admits she has been single for almost three years now.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/22/2017 09:56 AM
EXCLUSIVE: Dionne Monsanto: ‘My love life is so boring!’

 

Para kay Dionne Monsanto, biggest achievement niya so far ang mapasama sa mainstream film ng Regal Entertainment na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Vhong Navarro at showing na ngayong August 23.

I’m so happy and overwhelmed kasi they could have chosen anyone para maging kontrabida ni Lovi pero ako yung kinuha nila,” reaksyon niya.


Kinausap din daw siya ni Vhong na kung puwede ay maging bahagi siya ng pelikula.

Even before pa dumating yung offer sa Star Magic kinausap na ako ni Vhong kung puwede ba akong kunin for this film. Siyempre, aarte pa ba ako, di ba?

“Tapos sobrang thankful din ako kasi to do something else outside of my comfort zone kasi comedy ito, kaya ang sarap ng pakiramdam. Puro kasi ako maldita roles, eh. Hindi kasi alam ng mga tao na jologs ako in real life.

“Kaya when I did this role, sobrang komportable ako and I even gave my own inputs. Tapos parang naging outlet ko siya para ilabas yung hindi pa nila nakikita sa akin, yung comedy side ko, kaya sobrang tuwang-tuwa ako and thankful sa Panginoon na napa sa akin ito,” masayang pahayag ni Dionne.

First time ni Dionne to work with Kapuso star Lovi. Hindi rin daw siya masyadong nag-adjust kahit parehong first time nilang mag-comedy sa pelikula.

It wasn’t much of an adjustment kasi sobrang professional siya saka artist siya, eh. She just has to get in the mood or get in the zone.

She has to give me something and I just to give her something para it works. Saka wala siyang kahirap-hirap katrabaho, sobra. I didn’t expect na… kasi prime star siya di ba, she would not be as approachable or as friendly, pero hindi, sobrang okey niya,” sambit pa ni Dionne

Eh, kumusta naman ba ang kanyang love life?

“Wala akong love life. I’ve been single for close to three years now. Three years na, Tito Leo,” tumitili niyang balita sa amin.

Dagdag niya, “Ang tagal na non. And I’m also not seeing anyone. My love life is so boring. Walang anything magical or exciting about my love life.

“Hindi ko alam but I think I’m ready. Pero wala naman kasing dumarating. Pero pag may dumarating hindi naman swak. Hindi ko rin hinahanap kasi, eh.

Pero if there’s a decent guy who would come along… kasi yon yung hanap ko Tito Leo. Yung merong honesty, consistency and respect. Ang hirap nung combination na yon sa panahon ngayon,” pagtatapos ni Dionne sa PUSH.