Empoy Marquez’s mom shares her son's sacrifices for their family

Empoy Marquez sent some of his siblings to school.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

08/21/2017 11:59 AM
Empoy Marquez’s mom shares her son's sacrifices for their family

 

Kilala natin siya bilang Empoy Marquez, pero sa totoong buhay, siya si Julius Erman Marquez, panganay sa pitong magkakapatid.

Kilala din natin siya bilang isang komedyante pero sa totoong buhay, maagang nasabak sa responsibilidad si Empoy nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.


Ayon sa kanyang nanay na si Cecil Ramos, sa panayam sa Rated K, “Maliit pa lang siya, talagang tumutulong siya sa akin sa gawaing bahay at sa pag-aalaga ng mga kapatid. Pagdating ko ng bahay malinis na ang bahay, nakasaing na siya tapos yung mga kapatid niya, napaliguan na niya.“

Pinasok din ni Empoy ang pagtatahi ng photo album at pagiging fast food crew para lang mapag-aral niya ang kanyang mga kapatid.

Dagdag pa ng ina ni Empoy, “Siyempre ako elementary, high school kaya ko yun. Pag dating ng college, medyo mabigat na e, kaya (tinulungan) na niya ako. Napa-aral n'ya yung ibang mga kapatid niya.’’

Ani Empoy, mapalad siya dahil sa 14 years niya sa showbiz ay hindi siya nabakante kung kaya sa ngayon, nakapagpundar na siya ng bahay at lupa at meron na rin siyang negosyong kainan, ang 'Way Back 90’s'.