Daniel Matsunaga, ready na nga bang makipagdate muli?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/21/2017 07:47 PM
Daniel Matsunaga, ready na nga bang makipagdate muli?

 

Hashtag blessed ngayon kung ilarawan ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga ang kanyang career. Matapos kasi ang naging television break niya noon sa Be My Lady, sunod sunod na movie projects naman ngayon ang kanyang ginagawa.

 

TBT from Phil and Pinang 😍😍😍 tomorrow is the wedding!abangan nyo! 11:30am!!


A post shared by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) on

Kabilang sa mga naka-linyang projects ni Daniel ay ang horror movie na The Haunted kung saan makakasama niya si Maxine Medina at Meant To Beh ni Vic Sotto na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Hindi rin inaasahan ng Brazilian-Japanese model na magiging parte rin siya ng upcoming movie ng CineKo Productions na Fallback kung saan makakasama naman niya sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos sa unang pagkakataon.

"I'm very happy, it's such an honor for me kasi ibig sabihin they're looking for someone like me and they choose me kahit na madami pang ibang pwede to do these roles kaya I'm very very honored. Happy kaya sobrang thankful ako sa kanilang lahat for the opportunity," pahayag ni Daniel.

Dahil abala ngayon sa kanyang acting career, aminado si Daniel na single siya at timeout muna sa love life.

"Well right now, wala akong love life, pero we make time kahit na busy ka or hindi. Kung may love life ka, you make time pero wala pa talaga pero hindi by choice, darating din siguro yan," ani pa ni Daniel.

Nabalot man ng intriga kamakailan ang kanyang love life, mas pinili muna ni Daniel na mag focus sa mga blessings na kanyang natatanggap.

"Well I love to have someone in my life pero as of now I really have to focus muna sa mga blessings at trabaho. Ito muna ang priority ko ngayon ang work and we'll never know kung sino talaga nag para sayo," sabi pa ni Daniel.

Ayon pa sa kanya, hanggad niya sa kanyang susunod na relasyon ay matagpuan na niya ang right person para sa kanya.

"Sa mga susunod na relationship ko or sa susunod lang, siguro I will do my best. I will do my best to be the best boyfriend so if it's meant to beh, it will meant to beh," pabirong pahayag ni Daniel.