International theater actress Gia Macuja, balik Pilipinas para sa 'Ibong Adarna'

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/20/2017 11:58 PM
International theater actress Gia Macuja, balik Pilipinas para sa 'Ibong Adarna'

 

Balik Pilipinas ngayon ang London-based theater actress at nakababatang kapatid ng 'Prima Ballerina' Lisa Macuja -Elizalde na si Gia Macuja - Atchison. Ito ay para sa kanyang natatanging performance sa upcoming original musical show ng Ballet Manila na Ibong Adarna.

 

Vocal rehearsals and laying down a short track of "Ibong Adarna" with composer Diwa de Leon today. @balletmanila


A post shared by Gia Atchison (@giamatch) on

Nakilala at gumawa ng pangalan noon si Gia sa West End production ng London bilang si Gigi at Ellen sa Miss Saigon. Bukod sa kanyang West End performances  gumanap din si Gia bilang isa sa original cast ng Lion King kung saan gumanap naman siya bilang si Princess Nala.

Ayon kay Gia, hindi na siya nagdalawang isip nang i-alok sa kanya ang role upang maging boses ng Ibong Adarna lalo na at malapit ito sa kabataang Pinoy.

"I always consider kasi ang Philippines as my home because my entire family is here," ani pa ni Gia kung kaya't gusto niya mag-serve through performing.

Bukod sa naging role niya sa West End at Lion King, naging parte din si Gia ng Here Lies Love kung saan nakasama niya ang aktor na si Mark Bautista. Ayon kay Gia, masaya siya para sa patuloy na pamamayagpag ng mga Pinoy sa international theater.

 

"Here Lies Love" London PRESS NIGHT tonight!!!

A post shared by Gia Atchison (@giamatch) on

"Good thing na 'yung mga first batch ng Miss Saigon gives a good impression with the directors. Kasi Filipinos, i think, has a very good reputation of working very hard kasi nga tayong mga Pinoy daw madaling makasundo, madaling makatrabaho and yet the talent is there and I think that's the edge of every Filipino talent sa U.K.," paliwanag pa ni Gia.

Sa pagbabago naman ng mga choice ng mga millennials pagdating sa entertainment, naniniwala pa rin si Gia na hindi pa rin nagpapahuli ang theater shows sa pagbibigay ng sulit na experience para sa bagong henerasyon ng manunuod.

"I think there is something in theatrical performances that's really extra exciting to watch kasi anything can happen and there's a challenge for the performer to give their best no matter what circumstances (may) happen, iba yung excitement ng live performances na nararamdaman din ng mga audience," pahayag pa ni Gia.

Mapapanuod ang Ibong Adarna musical sa Aliw Theater simula August 26 & 27 at September 2 & 3 2017.