Ella Cruz, dinipensahan ang sarili laban sa isyu ng pagiging ‘maldita’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/20/2017 10:36 PM
Ella Cruz, dinipensahan ang sarili laban sa isyu ng pagiging ‘maldita’

 

Nilinaw ng bida ng 'Fangirl Fanboy' na si Ella Cruz na hindi totoong may pinaalis siyang beauty queen sa dressing room niya sa isang event (Miss Manila 2017) na ginanap kamakailan lang sa PICC. Nilinaw na rin daw ito ng beauty queen na si Ganiel Krishnan sa kanyang post sa social media kaya alam niyang tapos na ang isyu.

Sey ni Ella, “Ang alam ko sa sarili ko, hindi ako yun. Hindi ko siya nakita that time, and yung dressing room, yung room namin, sobrang dami namin 'dun,” paliwanag niya.


Patuloy ng kapareha ni Julian Trono sa 'Fangirl Fanboy', “I know naman na she will reveal na hindi ako yun kasi hindi naman po talaga ako yun.”

Hindi naman itinanggi ni Ella na na-bother siya for a while dahil sa isyu.

“Na-bother ako nun kasi hindi nga ako yun. Parang… ‘Hala, 'di naman ako ito.' At saka, kaya ko pong i-explain kung ano ang dressing room ko, ang hitsura ng dressing room ko, kasi sobrang dami nga namin nun.

“Kasi din nga, after a week, nag-tweet na rin siya na, ‘Hindi yun si Ella, she’s so sweet,’ ganyan-ganyan.

“Ako naman sabi ko, ‘Thank you.’ Thank you dahil na-clear niya ako,” kuwento pa niya.

Iginiit din ni Ella na hindi siya ang tipo ng artista na nagmamaldita.

Aniya, “Sweet naman po ako. Hindi po ako ganu’n. Puwede n’yo akong batukan 'pag napansin n’yo na lumaki na ang ulo ko.

“Wala naman pong mga nagmaldita sa akin noon kaya ba’t ko naman ipaparanas ’yan sa ibang tao, di ba? You know how friendly I am.”

Hirit pa ng dalaga, “Na-bother lang talaga ako kasi sa sarili ko, hindi ako ganun. Baka mamaya ay na-misinterpret lang.

“Pero yun nga, kesyo may gawin kayo o wala, may masasabi't masasabi ang tao kung gusto nila.”

Ibinahagi din sa Push ni Ella na kahit ngayong artista na siya ay nananatili pa rin siyang fan lalo na ng K-Pop group na 'Black Pink.'

“Grabe yon, as in nagpaka-fan talaga ako. Pumunta ako sa music show nila, pumila ako ng two to three hours to wait for them, ganung level.

“Buti sinuwerte ako kasi nagkaroon ako ng parang coupon to meet them kasi kung wala akong coupon, sisilip lang talaga ako and makikipagsiksikan ako.

“Talagang ano ako, eh, pag nanonood ako ng concert nanginginig ako, gusto ko nasa harap ako. Kompleto ako ng mga album ng K-pop, bumibili talaga ako,” huling kuwento ni Ella sa Push.

Samantala, showing na ang 'Fangirl Fanboy' sa September 6 mula sa Joyce Bernal Productions, N2 Productions at Viva Films. The film is under the direction of Barry Gonzales.