• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann says her professional relationship with Alfie Lorenzo may have ended but their personal one continued until his demise.

Judy Ann Santos and Piolo Pascual pay tribute to Alfie Lorenzo

Judy Ann says her professional relationship with Alfie Lorenzo may have ended but their personal one continued until his demise.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/03/2017 02:02 AM
Judy Ann Santos and Piolo Pascual pay tribute to Alfie Lorenzo

 

Patuloy ang pagbuhos ng emosyon sa pagkamatay ng kilalang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo.

Kabilang ang kilalang naging malapit sa namayapang talent manager ay ang kanyang napasikat na bituin at kinikilala ngayon bilang Teleserye Queen ng Kapamilya network na si Judy Ann Santos.


Sa pagpanaw ng kanyang former manager, hinangaan si Judy Ann ng ilan sa mga malalapit na kaibigan nito kabilang na si Lolit Solis dahil sa kanyang dedikasyon kay Alfie, pero para kay Juday parte ito ng kanyang responsibilidad sa namayapang manager.

 

Alam n’yo ba morbid isipin pero isang bagay lagi ang nasa isip ko. Sino mag-aasikaso pag na dead ako? Kasi nung namatay si Douglas Quijano nakita ko kung paano asikasuhin ni Richard Gomez at iba niyang alaga ang wake niya. Nang mamatay si Wyngard Tracy asikasong-asikaso ni Maricel Soriano ang wake niya kaya minsan tinanong ko si Perry Lansingan, sino ang mag-aasikaso sa kanya. Sabi niya sure raw siya na ‘di pababayaan ni Dingdong Dantes. Si Angge, si Sylvia Sanchez ang nag-asikaso. Kadalasan kasi iyon mismong pamilya mo, hindi alam ang gagawin at kadalasan ‘di naman nila kilala ang mga taong nasa showbiz kaya ang nag-aasikaso iyong mga kasamahan mo, alaga mo na taga-showbiz din. Sa akin nun, ang pangalan ni Rudy Fernandez ang nasa name to contact in time of emergency. Pero nauna nga siya 'umalis' kaya ngayon bahala na si Gorgy Rula mag-asikaso. Hah hah hah. Bigyan ng assignment sila ni Salve Asis na madalas ko pagalitan dahil talaga una siya sa nag-aasikaso pag maysakit siyang kaibigan. Gusto kong pasalamatan si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sa ipinakita niyang pagmamahal kay Alfie Lorenzo na parang tatay na niya. Kahit minsan may tampuhan sila, siya pa rin ang unang tumulong at nag-asikaso, isang patibay na sa showbiz uso pa rin ang utang na loob. Andun pa rin ang wagas magmahal at palagay ko kahit sa kabilang buhay tiyak na gagabayan pa rin ni Alfie si Judy Ann dahil ang mga manager o handler feeling nila talaga pamilya ang alaga nila. Hay naku isa na naman ang nawala sa mga kasama ko sa album, kaya nga kung minsan nalulungkot ako na tingnan mga old photos. Dami memories, dami flashbacks, dami mga bagay na bumabalik sa alaala. Faded photographs prayers for you my friends. #70naako #lolitkulit #instatalk 🙏🏻❤ @gorgyrula @salveasis @officialjuday

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

"Wala naman din gagawa kasi noon (pag asikaso) kahit naman nagpaalam ako kay Tito Alfie, hindi naman nag-end ang relationship ko with him. Hindi naman nagtapos ang pagmamahal at pag-aasikaso ko sa kanya. Natapos lang ang professional relationship, but the personal feelings and personal relationship that I had with Tito Alfie tuloy-tuloy pa din," pahayag ni Juday sa pictorial ng upcoming movie niya na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Dumaan man sa hindi pagkakaintindihan ang working relationship ni Juday sa namayapang manager, nanatili pa din umano ang kanyang respeto para dito.

"Kahit naman na may love-hate relationship kami noon, which all of you know, hindi nagbago ang respeto ko sa kanya and alam ko yun kahit na nagpaalam ako sakanya, ano man ang mangyari sa kanya inako ko na yung responsibilidad na yun kahit na bago ako mag-decide na magpaalam sa kanya (as talent)," dagdag pahayag pa ni Juday.

Sa kabilang banda, nagbigay pahayag din ang dating katambal ni Juday na si Piolo Pascual sa pagpanaw ng talent manager.

"Masakit siyempre, pagka-text sa kin ni Tita Mariole (head ng Star Magic), we just arrived yesterday from ASAP in Canada, then when I got it (the message) siyempre, I took a moment to pray. It made think like napaka dali ng buhay. Masakit, I just prayed and thanked the Lord for life, whatever he has shared with us," ani Piolo sa victory party ng Kita Kita.

Ngayong gabi August 2, nakatakda ang necrological services at misa para kay Alfie, kasunod ang cremation bago ilipat ang kanyang mga abo sa kanyang hometown na Angeles, Pampanga.