Joseph Marco nagdetalye ng dapat pang abangan sa ‘Wildflower’

Joseph Marco natuwa sa kakaibang role sa indie movie.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/02/2017 10:26 AM
Joseph Marco nagdetalye ng dapat pang abangan sa ‘Wildflower’

 

Inspirado at ganado pa din ang aktor na si Joseph Marco sa kabila ng sunod-sunod na taping ng top rating teleserye na Wildflower kung saan gumaganap siya bilang si Diego Torillo.

Nagbigay patikim din si Joseph sa mga dapat abangan ng mga manunuod.


 

Individually strong... together we are stronger. #CoopFamily @wildflowerabscbn

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco) on

"Abangan dapat ng lahat ang wedding of the year, maraming eksenang pasabog at marami kaganapan na nakakagulat," sabi pa ni Joseph.

Dahil isinasapuso ang bawat eksena, kuwento ni Joseph na hindi talaga nila maiiwasan na hindi nagkakasakitan ang ilan sa mga lead cast ng programa.

 

 

Sa tuwing nakikita ko si Ivy at Arnaldo... MASHAKEET! @wildflowerabscbn

A post shared by Joseph Marco (@josephcmarco) on

"Alam mo nung isang araw nawalan na ako ng boses kasi panay sigawan ng sigawan. Minsan ang bigat na sa pakiramdam. Pag-uwi nadadala ko na pero at the end of the day you’re still thankful andami sumusuporta. Ang taas ng rating," ani pa ng actor.

Bukod sa top-rating teleserye, kasama din si Joseph sa indie movie na kasama sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon sa aktor, maraming bagay siyang natutunan sa mga bagong nakatrabaho at sa kakaibang papel na kanyang ginawa sa pelikulang Triptiko.

"Nare-refresh ka. Alam mo yung di ka nakakahon lang at nakaka portray ka ng ibang characters which is good na nadi-discover mo na may iba ka palang kakayahan na gawin," pahayag pa ni Joseph.

Magsisimulang mapanuod ang Triptiko at iba pang pelikula na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula August 16 hanggang 20 sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas.