• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maris Racal at Jon Lucas, bubuhayin ang dating pinagsamahan sa ‘Haunted Forest’

EXCLUSIVE: Maris Racal at Jon Lucas, bubuhayin ang dating pinagsamahan sa ‘Haunted Forest’

Maris Racal reacts to not having a permanent love team partner.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/2/2017 10:18 AM
EXCLUSIVE: Maris Racal at Jon Lucas, bubuhayin ang dating pinagsamahan sa ‘Haunted Forest’


 

Pasok na naman ang beauty ni Maris Racal sa isang horror-suspense film na Haunted Forest ng Regal Entertainment after niyang mapasama sa blockbuster film na Bloody Crayons ng Star Cinema.

“Oo nga po, eh. Parang yon na nga yung nakakagulat kasi horror na naman siya, so challenging na naman ito ulit,” kuwento niya sa PUSH after the storycon of Haunted Forest.

Hindi pa nababasa ni Maris ang kabuuan ng script kaya hindi pa siya sigurado kung totoong si Hashtag Jon Lucas ang magiging ka-love team niya sa pelikula.

“Sa synopsis po at summary feeling ko si Jon nga ang partner ko pero ayoko pang mag-conclude kasi hindi ko pa rin talaga alam.”

Kahit papaano, may nasimulan na rin daw naman ang partnership nila ni Jon na nag-umpisa sa ABS-CBN series na We Will Survive.

“Una ko siyang naka-work sa We Will Survive. Do’n kami nagsimulang magkakilala tapos timing din na Girltrend ako at Hashtags siya non. Tapos yon na,” kuwento ng dalaga.

“Okey naman po na siya yung maka-love team ko dito sa movie. Pero sabi ko nga sa inyo sa past interviews ko, wala po talaga akong permanenteng nakaka-love team, eh. Lahat sila hindi tumatagal. I mean, lahat sila nawawala sa akin.

“Kaya yung expectations po na baka maging regular na ka-love team ko si Jon, wala pong ganun. Basta kung ano lang pong nandyan,” katwiran ng dalaga.

Samantala, since Haunted Forest is a horror movie, tinanong ng PUSH si Maris kung ano para sa kanya ang Top 5 scariest movie na napanood niya.

“Ang scariest Top 5 ko po siguro, una do’n yung Text ni Angel Locsin. Takot na takot po talaga ako do’n sa movie na yon.

“Tapos yung Corazon: Ang Unang Aswang, natakot din po ako don. Yung kay Ate Erich Gonzales.

“Ang pinakanakakatakot naman po sa akin na Shake, Rattle & Roll movie is yung nasa MRT sila na may halimaw na kumakain ng tao. Natakot din ako don.

“Sa international naman, yung Insidious and The Conjuring po. Grabe ang takot ko do’n habang pinapanood ko yon,” pagbabahagi ni Maris sa PUSH.