Dahil single ngayon, Erich Gonzales may panahon sa tatlong pelikula

Erich Gonzales will show off her sexy side in a new movie.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/02/2017 10:28 AM
Dahil single ngayon, Erich Gonzales may panahon sa tatlong pelikula

 

Hashtag blessed kung ilarawan ngayon ng kapamilya actress na si Erich Gonzales ang kanyang career pagdating sa paggawa ng pelikula.

Aasahan kasi ngayong taon ang tatlo sa kanyang pelikula, gaya ng isang action movie na We Will Not Die Tonight ni Richard Somes, drama movie na The Significant Other sa direksyon ni Joel Lamangan at ang love story Siargao kung saan makakasama niya si Jericho Rosales sa direksyon ni Paul Soriano.


"Thankful po. Talagang nagpapasalamat po talaga tayo sa mga blessings na dumarating sa atin, ang mga projects po tuloy-tuloy po talaga lahat," masayang pahayag ni Erich.

Kuwento ng aktres, labis na paghahanda ang kanyang ginawa para sa mga proyekto tulad sa Siargao kung saan ipinamalas niya ang kanyang kaseksihan.

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

 

 

Thank you for the photo @gapssabuero 📸

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

"Actually nag-start talaga ako ng workout ko as preparation ko sa We Will Not Die Tonight dahil ang role ko doon ay isang stunt woman, kasi required doon na mag ka-muscle," ani pa ni Erich.

 

Captivated by the beauty of Siargao ♡

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Puspusan man ang naging paghahanda, nag-enjoy pa din daw ni Erich sa kanyang naging experience sa magandang isla ng Siargao kung saan ginawa ang kanilang pelikula.

"Sobrang ganda ng experience. I fell in love with the island as well sa mga tao doon. Ako na mismo na nag-encourage sa inyo na bisitahin niyo din ang Siargao. Sobrang ganda," sabi pa ni Erich.

 

Maayong buntag! Pop up na ta? Haha! @manuelmelindo 🌊 📸 @gapssabuero

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Bukod dito malaki din ang pasasalamat ni Erich sa kanyang pamilya na laging naka suporta sakanyang mga proyekto kahit may pagka-seksi pa ang mga ito.

"Yung pamilya ko naman laging nandyan para sumuporta sa lahat ng ginagawa ko," pahayag pa ni Erich.

Sa ngayon abala pa din si Erich sa taping ng The Significant Other.