• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo iniinda pa din ang natamong injury sa Star Magic All Star Basketball Game

Zanjoe Marudo iniinda pa din ang natamong injury sa Star Magic All Star Basketball Game

Zanjoe Marudo nagulat sa pagka-intense ng mga kalaro sa Star Magic All Star basketball game

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/19/2017 3:30 PM
Zanjoe Marudo iniinda pa din ang natamong injury sa Star Magic All Star Basketball Game


 

Iniinda pa din ng aktor na si Zanjoe Marudo ang kanyang natamong injury sa Star Magic All Star basketball game kung saan siya naglaro sa koponan ng Red Team ni Daniel Padilla.

Sa panayam na ito kay Zanjoe sa story conference ng kanyang upcoming movie sa Cineko Productions na Fallback, ipinakita ni Zanjoe ang injury sa kanyang dibdib.

 

 

"Eto ang nangyari sa akin."

"Na injure ako last Sunday (August 13). Nag banggaan kami ng isang player sa blue team. Medyo malaki siya. Para akong bumangga sa pader. Yung rib cage ko naapektuhan," paliwanag ng actor.

Kuwento ni Zanjoe, kasalukuyan siyang sumasailalim sa gamutan at therapy.

"Pina-check ko na. Kailangan ipahinga na one or two weeks sabi ng physical therapist," dagdag pa ni Z.

Ayon pa kay Zanjoe, hindi na bago sa kanya ang pisikalan pagdating sa basketball.

 

 

All set na ang Red team at Blue team sa #starmagicallstargame

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

"Nung bata naman ako nag lalaro din ako ng basketball sa school. Nagulat lang ako na yung mga bagong kasama natin na artista e sobrang intense pala nila," ani pa ng actor.

Pagbibiro pang pahayag ni Zanjoe, nilinaw umano niya sa mga kasamahan kung ano ba talaga ang gusto nilang patunayan.

"Sabi ko nga, ‘Ano ba talaga gusto natin? Ang galingan sa pag-basketball o ang galingan ang pag aartista? (Laugh) Pili lang tayo ng isa kasi masasaktan tayo lahat di ba?;" pagbibirong pahayag ni Zanjoe.

Humantong man sa pisikalan ang game, masaya si Zanjoe na naging maayos pa din ang lahat sa kanyang mga kalaro matapos ang basketball.

"Pero ang sarap, ang saya kasi nabigyan namin ang audience ng isang magandang laro, isang magandang game. After naman non wala e. Magkabati naman talaga kasi isang pamilya lang kami, star Magic "

Mapapanuod ang StarMagic All Star Basketball Game ngayong Linggo [August 20] 3:30 pm sa ABS-CBN at 8 pm naman sa ABSCBN Sports and Action.