• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN ang rerestore ng ilang pelikula nina Fernando Poe Jr., Joseph Estrada, at Ramon Revilla Sr.

Sagip Pelikula ng ABS-CBN suportado ni Lani Mercado, Erap Estrada, at Susan Roces

ABS-CBN ang rerestore ng ilang pelikula nina Fernando Poe Jr., Joseph Estrada, at Ramon Revilla Sr.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/19/2017 09:43 AM
Sagip Pelikula ng ABS-CBN suportado ni Lani Mercado, Erap Estrada, at Susan Roces
Photos credits to @PresidentErap @lanimrevilla Twitter

 

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine cinema ang pagbibigay ng bagong buhay sa mga klasikong pelikula na tumatak noon sa mga puso ng mga Pilipino.

Sa kampanya ng ABS-CBN na Sagip Pelikula, muling mabibigyang kulay ang ilan sa mga pelikula tulad ng ilan sa mga nagawa ni Fernando Poe Jr.


Sa naganap na red carpet premiere ng newly-restored Isusumbong Kita Sa Tatay ko na pinagbibidahan ni Fernando Poe Jr at Judy Ann Santos, masayang-masaya ang biyuda ni Da King na si Susan Roces para sa kampanya na ito ng ABS-CBN.

 

 

"Punong-puno ng puso. The idea of all of his works is timeless and he is blessed with that," pahayag pa ng veteran actress.

Inuumpisahan na din ng beteranong aktor at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpili sa kanyang ng mga pelikula na posibleng dumaan din sa restoration.

 

 

"Maganda yun. Pinagagawa ko na yun sa kapatid ko, yung mga award-winning na pelikula ko," pahayag pa ni Mayor Erap.

Kasalukuyan na din na naka-proseso sa ABS-CBN ang ilan sa mga klasikong pelikula ng beteranong aktor ni Ramon Revilla Sr.

Ayon mismo kay Bacoor Mayor Lani Mercado, nakapagsumite na sila ng ilan sa mga pelikula na ni Mang Ramon na maaring gawan ng restored version.

 

"Marami na kaming naibigay sa ABS-CBN, but it’s up to them kung ano po ang gusto nila i-restore na pelikula. Pero maganda siguro kung ako yung papipiliin," kuwento pa ni Mayor Lani sa signing ceremony ng Manila and Bacoor City Sisterhood Agreement.

Ayon pa sa actress politician kung papipiliin siya, nais umano niyang unahin muna ang ilan sa mga tatak na pelikula ni Mang Ramon at ng kabiyak na si Senator Bong Revilla.

"Dugong Buhay ni Daddy Ramon Revilla and ni Senator Bong kasi it was first movie kasi na ginawa ni Daddy nung bumalik siya sa movie industry. And kung pelikula naman namin dalawa siguro, Sa Dibdib ng Sierra Madre which is our first movie together at matagal ng pelikula ito," pahayag pa nito.

Sa ngayon ilan na sa mga restored movie ni FPJ na ang nakatakdang mapapanuod muli sa CineMo channel gaya ng Batas ng Lansangan, Ang Panday Ikatlong Yugto, Eseng ng Tondo, Ikaw Ang Mahal ko, at Dito sa Pitong Gatang.