• Home
  • Fresh Scoops
  • Cora Waddell umaming muntik ng mag-quit at bumalik sa Amerika.

EXCLUSIVE: Cora Waddell shares why she felt ‘Like a Virgin’ while doing Woke Up Like This movie

Cora Waddell umaming muntik ng mag-quit at bumalik sa Amerika.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/19/2017 03:06 PM
EXCLUSIVE: Cora Waddell shares why she felt ‘Like a Virgin’ while doing Woke Up Like This movie

 

Feeling “virgin” ang former Pinoy Big Brother Season 7 housemate na si Cora Waddell nang exclusive siyang makausap ng PUSH sa presscon ng first movie niya sa Regal Entertainment na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe na showing on August 23.

“First presscon ko rin ito kaya oh, my gosh, it feels like the very first time, di ba, yung kanta ni Madonna (Like A Virgin). Like a virgin talaga and sobrang exciting,” masayang pahayag ng dalaga sa PUSH.


Patuloy pa niya, “Parang yung dream mo na hindi mo na inasahan na mangyayari, matutupad kasi you did your five years, you tried and medyo hindi nangyari.

“Masaya ako sa experience nung first five years, pero itong makagawa ng movie is parang Cinderella story talaga para sa akin kasi hindi ko inasahan na I would be able to do showbiz like this at my age.

“I’m 27, so akala ko it’s really for the young blossoms you know, akala ko you have to start young, pero hindi ko talaga inasahan na kaya kong maranasan ito,” sambit pa niya.

Naikuwento rin ni Cora na malapit na talaga siyang mag-quit sa pagmo-modelling at bumalik na rin lang sa Amerika.

Aniya, “Kasi if you want to be an actress, modeling is not enough. Buti na rin lang natanggap ako sa PBB and tumagal ako ng ganun kasi it made me strong enough to do what actresses have to do kasi that is easiest I thought.

“Mahirap ang trabaho ng mga artista, pero after everything I’ve been through in life lalo na sa PBB, feeling ko, kaya ko naman, kaya kong matuto.”

Kumusta ang experience niya sa first shooting day ng Woke Up Like This?

“My gosh, si Lovi at si Vhong pa ang katabi ko, magkasama na kaming lahat sa first shooting day. Sobra akong intimidated lalo na tahimik ako, loner, so kabang-kaba ako sa kanila. ‘Oh, my God, kailangang i-study ko lahat ng mga lines ko para hindi ako cause of delay.’

“Pero sobrang down to earth pala nila. Sobrang welcoming at sobrang funny, laugh trip talaga silang lahat so I felt good, I felt comfortable around them,” kuwento ni Cora.

Hindi naman naitanggi ni Cora na may isang day na siya naging cause of delay sa shooting.

“First time lang naman yon na ako ang naging cause of delay kasi tawang-tawa ako kay Vhong. First time ko siyang na-meet and I didn’t know na ganu’n siya in real life. Yung pagka-bato niya ng line, napaiyak ako sa tawa. Minsan, pinipigil ko na pero hindi ko talaga makaya,” pag-amin niya

Eh, saan ba niya mas gusto, mag-drama ko mag-comedy?

“Very challenging ang drama, iba ang drama. You have to feel things differently, you have to focus differently. Parang sa akin, siyempre I enjoy comedy and that is what I like to watch pag manonood ako ng pelikula, I prefer comedy.

“Pero I have a high respect for drama actresses, kailangan ko munang mag-workshop, but it would be very challenging for me in an exciting way to do drama,” pagtatapos ni Cora sa panayam ng PUSH.